Charlene's POV Masaya? Oo. Sobrang saya. Kitang-kita ko ang pagbabago sa buong bahay. Kung dati ay parang naging kulungan ko ito, ngayon ay pakiramdam ko ito ay naging tahanan ko na. Birthday ngayon ni Kerill kaya pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para maging masaya ang birthday nya. Binilhan ko ito ng regalo at itinago sa kwarto ko. Simple lang iyon at sana ay magustohan nya. Lumabas na ako ng kwarto para tingnan kong maayos na ang lahat. "Wow, iba talaga kapag in love eh no?" Komento ni Black nang makita ang desinyo at lahat ng preparation ko sa party na 'to. "You know he really hates this kind of big parties. Pero wala eh, ikaw na 'yan," sabi nya pa at napailing. Ilang sandali lang at nag-start na ang party. Hindi gano'n ka rami ang tao dahil mga kilala lang namin,

