Charlene’s POV Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinubukang kausapin si Ericka simula no’ng nangyari sa plaza. Halos iwasan niya ako, sa hallway, sa dining, kahit sa sala. Kapag nararamdaman niyang lalapit ako, kusang umiiwas ito. Pero ayoko namang sumuko. Kasi pinangako ko iyon sa sarili ko. Hapon no’ng araw na ‘yon nang maabutan ko siya sa mini library. Nakaupo siya sa sahig at may hawak na libro pero halatang hindi nagbabasa. Nakatingin lang sa isang pahina, na para bang may naaalala ito. “Ericka,” mahina kong tawag. Hindi siya tumingin o lumingon man lang sa akin. Lumapit ako nang dahan-dahan. “Pwede ba kitang makausap?” “Busy ako,” malamig niyang sagot. “Gano’n ba? Gusto ko lang kasing malaman kung okay ka na,” sabi ko. Inis niya akong nilingon. “Ano naman sa’yo kung hind

