28

821 Words

Kinaumagahan, ako ang sumundo sa mga bata sa school. Wala naman kasi akong ginagawa at nalaman kong maaga ang labasan nila, lalo na sa elementary. Sinundo ko si Lily at tuwang-tuwa ito nang makita ako. Parang hinaplos ang puso ko nang makita siyang mabilis na tumatakbo habang papunta sa akin. Ang laki ng ngiti nito. Pagkarating niya sa harapan ko, may kinuha itong papel sa bag niya at ipinakita sa akin. "I got the highest score on our exam!" Masaya niyang kwento sa akin. Napangiti ako nang mapansin ko kung gaano siya ka-proud. "Wow! Congrats! Ang galing naman. Dahil diyan, ipagluluto ka ni Tita." "Yes, please!" Natawa na lang ako kasi ang cute-cute nito. Pinasakay ko na siya sa sasakyan at akmang papasok na rin sa loob nang hindi sinasadyang mahagip ng tingin ko ang babaeng pamilyar sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD