Pagpasok ko sa kwarto, kaagad akong napahiga sa kama habang pilit na pinipigilan ang sarili kong gumawa ng ingay. Ang OA ko naman ngayon. Bakit parang sobrang sakit kung masaktan? Ano naman kung hindi niya ako gusto? Ano naman kung hinding-hindi niya ako magugustuhan? Ikakamatay ko ba? Gusto kong iyon ang isipin, pero parang ayaw ng utak ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kailan at saan ito nag-umpisa. Dahil ba ’to kagabi? Dahil sa nangyari sa amin? Kaya ba ako umasa? Kaya ba nabuo itong sakit sa dibdib ko? Bakit ba kasi hinayaan kong may mangyari sa amin? Tanga. Ang tanga-tanga mo, Charlene. Ilang minuto yata akong nanatili sa ganoong estado bago ako nagising sa katotohanang wala naman talaga akong pakialam sa iisipin niya. Siguro nga, habang maaga pa, kailangan

