Charlene’s POV Nagising ako sa katahimikan. 'Yong katahimikang masarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Tahimik pa rin ang buong bahay. Madilim ang hallway, pero may ilaw na nakabukas sa kusina. Mahina. Dilaw. Parang ayaw masyadong mag-ingay. Nandoon si Kerill. Nakatayo siya sa gilid ng counter, hawak ang baso ng kape. Nakaputing polo, walang jacket, mukhang hindi pa talaga handa sa umaga. Napatingin siya sa akin nang mapansin niya ang presensya ko. “Good morning,” sabi niya. Walang emosyon. Pero hindi malamig katulad ng dati. “Good morning,” sagot ko. Medyo paos pa ang boses ko. Sandali kaming nagkatitigan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Pero tumikhim sya bigla bilang pagbasag ng katahimikan. “Kumusta si Wency?” tanong ko. “Tulog pa,

