Charlene’s POV May mga umagang hindi mo kailangan ng paliwanag para malaman na may mali. Gigising ka na lang na parang may nakadagan sa dibdib mo. Hindi mabigat, pero hindi rin mawawala. Parang paalala. Parang babala. Ganito ang umagang ’yon. Maaga akong nagising. Tahimik ang buong mansion. Sobrang tahimik na parang may hinihintay. Kahit ang mga kasambahay, maingat ang kilos. Walang nagmamadali. Walang malakas ang boses. Parang lahat kami may pakiramdam na may darating. Nasa kusina ako, nagtitimpla ng kape. Nakasanayan ko na ang pait nito. Pero no’ng araw na ’yon, mas ramdam ko. Hindi pa man natitikman, parang may kurot na agad sa dibdib ko. “Ate Charlene.” Napalingon ako. Si Lily. Nakatayo sa may pintuan, hawak ang paborito niyang stuffed toy. Ngumiti siya, pero hindi masaya ang m

