Charlene’s POV Simula nang dumating si Monica ay napapakwestyon na ako sa tunay na lugar ko dito sa bahay. Ang akala ko kasi ay aalis rin sya at hindi na magtatagal pero parang wala yata syang balak na gawin iyon. Mula noong dumating sya ay hindi na bumalik sa dati ang bahay. Naging mas tahimik ito at pakiramdam ko ay malamig. Kahit ang mga katulong ay hindi na rin halos gumagawi sa sala dahil andoon lagi nakatambay si Monica. Nasa dining room ako nang araw na ’yon, tinutulungan si Lily sa homework niya. Tahimik lang sya siya. Masyadong tahimik para sa batang kasing daldal niya dati. “Okay ka lang?” tanong ko. Tumango siya, pero hindi tumingin sa akin. Hindi ko na pinilit dahil alam kung naapektuhan rin ito sa mga nangyayari. Maya-maya, dumating si Monica. Hindi ko namalayan kung ka

