Charlene's POV Lahat ng katanungan sa isipan ko ay nasagot nang pumunta si Black sa mansion. Panay ang hingi nito ng sorry sa akin dahil sa mga fan girls ng love team nila ni Vionet. Alam kong sikat na sikat ang love team nilang dalawa kaya gano’n na lang ang galit nila sa akin nang inakala nilang girlfriend ako ni Black. Naiiyak na lang ako habang binabasa ang mga bash tweets sa social media tungkol sa akin. May kumalat kasing picture namin ni Black na magkasama, at may nagsabing secret girlfriend daw niya ako. "Panget naman." "Mas bagay pa rin talaga sila ni Vionet." "My Blanet heart can't handle this!" "Seryoso? 'Yan girlfriend ni Black? Eh mas maganda pa aso namin diyan eh, hahaha." "Hiwalayan mo na si Black, girl. Kung ayaw mong sugurin ka namin kung saang impyerno ka man nakat

