Another one Charlene's POV Mula noong umalis si Monica ay mas lalong naging tahimik ang bahay. Alam mo 'yong pakiramdam na walang buhay? 'Yong parang nawala 'yong taong parte ng bahay na ito. Ilang oras na rin nang makaalis na ito pero hanggang ngayon parang may bumabagabag pa rin sa isipan ni Kerill. Matapos kung patulogin ang mga bata ay kaagad kong hinanap si Kerill. Natagpuan ko ito sa office nya. Nakaupo ito sa swivel chair nya at nakatalikod sa pintuan. Bukas ang pinto kaya pumasok na ako pero hindi muna nagsalita. Wala akong maisip na sasabihin sa kanya lalo pa at alam kong nagugulohan rin ito. Basta, nakatayo lang ako doon. Tahimik habang nakatingin sa kanya. "She's my first love." Umangat ang tingin ko nang magsalita ito. Alam nya bang nandito ako? Ako ba ang kausap nya? "

