Tahimik ang loob ng sasakyan habang pauwi sila mula sa opisina. Nasa likod si Kerill, nakapikit ngunit halatang hindi natutulog. Sa harapan naman, si Saviel ang nagmamaneho. Sanay na si Saviel sa katahimikan ng amo niya. Ngunit nitong mga nakaraang araw, parang may nagbago. Hindi iyon ang karaniwang katahimikan na nakasanayan na niya kay Kerill. Mas mukhang may malalim itong iniisip. “Boss,” tawag ni Saviel nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Walang sagot si Kerill. Seryoso lang ang tingin nito sa bintana ng sasakyan. “Kung may problema ka kay Ma’am, hindi mo maaayos ’yan sa kakaisip.” Bahagyang lumingon si Kerill. “Since when did you start giving advice?” ani nito sa maawtoridad na tono. “Since napapansin kong lutang ka palagi. No offense, Boss ah.” Hindi siya sumagot kaya na

