Charlene’s POV No’ng sinabi niyang magluluto siya ay ginawa niya talaga nang makauwi kami. Nagulat ako dahil marunong pala itong magluto at skilled pa sa paggamit ng kutsilyo—parang professional chef. “Kailan ka natutong magluto?” Hindi ko maiwasang magtanong habang naghihiwa ito ng karne. “Not when, but why. Because I have to. I grew up with just my maids, pero hindi ko gusto ang mga luto nila. My mom was not here, so I learned it all by myself to survive,” sagot niya. Sandali akong natahimik. Hanggang ngayon, napapatanong pa rin ako kung ano ang dahilan kung bakit wala ang mommy ni Kerill dito. Anong nangyari? Namatay ba? May asawa nang iba? “She has her own family now,” bigla niyang sagot, na para bang nababasa ang isipan ko. Napatingin ako sa pintuan at nagulat dahil nakatingin

