Third Person's POV Umaga na kaya nagluto si Charlene ng almusal para sa lahat. Nakangiti ito habang nagluluto kaya hindi mapigilan ng mga kasambahay na tuksuhin siya. “Oy… Parang may nangyari kagabi ah.” “Naku, si Ma’am in love na.” “Ma’am, anong ginawa ni Sir at ganyan ka-ganda ang ngiti niyo ngayong araw?” Lumingon si Charlene sa kanila. “Ano bang sinasabi niyo? Masaya lang ako kasi maganda ang panahon,” sagot naman ni Charlene na halatang hindi pinaniwalaan ng mga katulong. Pagkatapos niyang magluto ay napansin nitong hindi pa bumababa si Kerill para kumain. Napatingin ito sa orasan sa dingding at kumunot ang noo dahil sa mga oras na ito ay dapat nagtitimpla na si Kerill ng kape. Pero ngayon ay wala pa siya. “Baka na-late lang ng gising, Ma’am,” nakangiting sabi pa ng maid na dum

