Chapter 7

1454 Words
Kinabukasan, nagising akong masakit ang ulo. Hirap dumilat dahil sa nagdaang gabi na puno ng sakit. Isang panibagong umaga na naman ang haharapin, panibagong pagpapanggap na naman na ok ka, na normal lang lahat. Sige lang, kinaya mo na ng limang taon, lubusin mo na para instense. Afterall hindi naman na ulit kayo magkikita. Pinili ko na lang na mag half day sa trabaho ngayong araw, ayokong pumasok na ganito ang itsura. Ayokong makita ng mga tao sa mata ko na eto ako talunan. Muli kong pinikit ang aking mga mata, itutulog kona lang muna ang sakit ng ulo. Mahirap magtrabaho sa ganitong sitwasyon. Maya maya pa, nakarinig ako ng katok sa pintuan. May susi naman si ate bakit kailangan pa nya kumatok? Eto na eh makakatulog na ako ulit eh. Buti gising pa ako. Teka eh may susi yun ah, bat kumakatok pa? Ah baka yung susi naiwan nya. “Sandali lang” sigaw ko habang papalapit sa pinto. “Naiwan mo ba ang sus—-“. Hindi ko inaasahan ang mga susunod na pangyayari, nagulat ako, na estatwa, nananaginip bako? Pag bukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang lalaking kahapon pa lumalaro sa isip ko, anong ginagawa nya rito? “Hi” Sa gulat ko bigla kong naisara ang pinto. 'Tugs' Oh no. Nauntog ba sya? Sa pagaalala bigla ko ulit binuksan ang pintuan. “Bakit mo sinara? Ahhh ouch” sapo sapo nya ang noo na medyo may umimpis pang bukol. “S-sorry sorry, nagulat kasi ako,p-pasensya na” sa pagkataranta ay nauutal utal kong nasabi. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin, hahawakan ko ba sya o papapasukin? Pero sa huli nagawa ko na lang syang tanungin “Anong ginagawa mo dito?” ng nakakunot ang mga noo ko. “Pwede ba tayo magusap?” Kita ko sa mga mata nya ang tila ba pagka miss? Lungkot? Tama ba ang nakikita ko? Ano ang gagawin ko? Kakausapin ko na ba sya? Ready na ba ako? Eto naba yung closure na hinihingi ko? “Ano paba ang paguusapan natin?” Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya. Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng maldita na yun. “Mamaya kung ano pa isipin ni Matilda pag nalaman nyang pumunta ka dito eh” nakasimangot kong sabi. “Ano ba ang sinasabi mo? Raf, 5 years, limang taon ang nawala kaya pwede ba magusap muna tayo?” Sabi nya ng may pagmamakaawa akong naramdaman. Siguro nga dapat ko na rin syang kausapin. Siguro nga kailangan na din matapos to para magka roon na ako ng peace of mind. Baka eto na rin ang maging way ng moving on ko. “Sige pasok ka” namalayan ko na lang na pinapapasok ko na sya sa loob ng bahay namin. “Salamat” sabi nya “Sige maupo ka at bilisan mo na sa sasabihin mo para makaalis kana” pagsisimangot ko pa sa kanya hmm if I know naman gusto mong nandito sya. Kahit gustuhin ko, mali dahil may asawa na sya. Closure lang to, closure. “Kmausta kana?” Paunang tanong nya sakin “Ok lang” tipid kong sagot “Sorry kung ngayon lang ako dumating” “Wala ka naman dapat ipaliwanag, yan lang ba ang sasabihin mo? Pd ka nang umalis magpapahinga pa ako”. Pilit kong pagtataboy sa kanya “Sandali lang, hindi pa nga tayo nakakapagusap eh” halos pagsusumamo nya itong sinabi “Bakit? Para saan pa? tsaka pano mo nalamang dito ako nakatira?" Sunod sunod kong tanong. Alam ko may poot sa mga salita ko pero hindi ko maiwasang hindi ganun ang maramdaman. "I got your address from Justin". Lintik na lalaking yun ah, binigay na lang basta address ko ng di man lang ako tinatanong kung ok ba sakin. Humanda yun sakin bukas. "Ok then ano naman ang pakay mo at naparito ka?" Bitter much girl, kailan lang hinahanap mo. "Gusto lang sana kita kamustahin. Kamusta kana? Hinahanap kita, binabalikan kita sa bahay nyo sa Calamba pero wala ka daw". Sagot naman ni Anthony habang magkatapat kaming naka upo sa sofa. "For what? It’s been 5 years, ok lang ako syempre" . "I know, i just... missed you. Nung nakita kita sa party nabuhayan ako ng Pag asa, sa wakas nakita na kita but i think its too late. I'm late rather". Sabay napayuko sya sa huling katagang sinabi nya. Bakas sa mata nya ang lungkot sa bawat salitang yun. Late? Anong late pinagsasasabi nito? "Hindi ko na kailangan ng paliwanag Anthony, tanggap ko na, alam kong masaya kana sa piling ng asawa’t anak mo…” naputol ako sa pagdasalita ng gulat na gulat syang napatingin sa akin. “Ano? Asawa’t anak? Saan mo naman nakuha yan?” Takang taka ko syang tinignan? Bakit nya itinatanggi eh kailan lang nakita ko silang ang sweet sweet. “Diba? Si Matilda ang pinakasalan mo?” Sabi ko ng hindi tumitingin sa mukha nya. “Unang una, hindi pa ako kinakasal, pangalawa hindi ko asawa si Matilda. She’s my cousins wife”. Litong lito ako, 5 years ago sinabi nyang ikakasal na sya pero kanino? At bakit nya sinasabing hindi pa sya kinasal? “Sige na makakaalis kana” tumayo ako para sumunod sya at dire diretso ako sa pinto upang ihatid sya palabas. “Teka sandali magusap muna tayo, anong kasal? Ano sinasabi mo?” Pagpipigil nya sa braso ko dahilan para hindi ako makalakad. Siguro nga oras na para malinawan din ako sa totoong nangyari 5 years ago. “You texted me, saying to me na maghiwalay na tayo, ikakasal kana sa babaeng nabuntis mo” matapang ko syang hinarap. “Whaatt? What did you just say? Ako nakipag hiwalay sayo and whaatt? May nabuntis ako?” Teka, tama ba tong nakikita ko sa mga mata nya? Para bang litong lito sya? Biglang bigla sa mga narinig? “Oo, hindi mo na natatandaan? You texted me. Ilang beses kong sinubukan na tawagan ka pero hindi na kita ma contact. Hinintay kita araw araw, nagbabakasaling nagkamali ka lang ng text sa akin. Pero yung mga araw naging linggo, buwan at taon, walang Anthony na dumating”. Hindi ko na namalayan, umaagos na pala ang luha sa mga mata ko. Remembering the past kung paano ako mukang tanga sa paghihintay sa kanya. Kung paano ako umasang babalik sya pero wala ni anino nya. “Damn that motherfucker who told you that. Hindi pa ako ikinakasal at lalong hindi pa ako nakakabuntis dahil kung meron man sisiguruduhin kong ikaw lang yun Rafaela”. Oh my god i’m blushing ibiniling ko ang mukha ko sa gilid, tinatago ang pagkapula ng mukha ko sa kanya. When suddenly he holds my hand and hug me tight, hindi ko napigilan ang sarili ko, ginagantihan ko na pala ang mga yakap nya. Siguro dahil na rin sa sobrang pagka miss sa kanya. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko eh kahit ilang taon pa nga ang nakalipas. Ako na rin ang unang bumitiw sa pagkakayakap nya. “Hindi ko yun kailanman magagawa sayo. Maniwala ka sa akin, hindi ako yun”. pagmamakaawa nya sa akin habang hawak hawak nya ang mga kamay ko. “Eh sino yun? Number mo yun eh. Sino naman ang mag memessage sa akin ng ganun? At bakit ang tagal mo nawala?” Matatalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. “I don’t know, please pagusapan natin to maigi, I miss you. Please let me explain.” Naramdaman ko na lang ang mga braso nyang nakayakap na sa bewang ko. Gustong gusto kong sagutin ang mga yakap nya pero bakit pa? Para saan pa? Tapos na ang kung ano man meron sa amin, natapos na yun five years ago. Pilit akong nagpumiglas sa kanya, nagmatigas ako, pilit kong tinatagan ang sarili ko upang makapiglas sa init ng yakap nya. “Tama na, wala na tayong dapat pang pagusapan, tapos na tayo five years ago”. Hanggang natagpuan ko na lang ang sarili kong itinutulak sya palabas ng bahay. Pilit syang pinaaalis. Nang makalabas sya, sinarado ko agad ang pinto ng bahay. agad akong tumakbo sa kwarto, doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko. Doon ko nilabas lahat ng luha na akala ko natuyo na sa nakalipas na limang taon. Andito pa rin pala yung sakit, damang dama ko pa rin dito sa kaibuturan ng puso ko. “Bakit ngayon ka lang ba bumalik? Hinihintay kita eh, pero bakit ngayon pa kung kailan tanggap ko na, na hindi tayo pwede, na may ibang mas pwede sayo?” Patuloy ako sa pagluha, damang dama ang sakit ng nakalipas. Patuloy ako sa paghagulgol hanggang sa bumalik ang diwa ko sa nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD