5 Years Later
“Ma, andito na po si Rafaela” sigaw ni Anthony sa kanyang mama pagkadating namin mula sa bus. Dinala nya ako dito sa Batangas upang maki piyesta at makilala na rin ang pamilya nya. Ito ang unang beses na makikilala ko ang mga magulang nya at iba pa nyang kamaganak.
“Kamusta ang biyahe mo iha?”. Bati sakin ng mama nya. Napatulala ako habang papalapit ito sa akin, napaka ganda nya, sopistikadang sopistikada ang itsura. Napakaganda nito. Ganda na mukhang hindi kumukupas.
“Maayos naman po tita, maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin”. Sabay inabot ko ang kanyang kamay upang mag mano tanda ng aking pag galang.
“Sige, iakyat nyo na muna yang mga gamit mo para makakain ka na ng pananghalian. May inihanda kaming kwarto na tutuluyan mo habang nandito ka, Anthony samahan mo na sya sa magiging kwarto nya”. Baling naman nito sa anak.
“Ok ma” kumunot ang noo ko ng may mapaglarong ngisi akong nakita sa itsura ng aking nobyo. Nang makarating kami sa kwarto kung saan ako pansamantalang tutuloy, nagulat na lamang ako ng biglang may bisig na bumuhat sa akin papasok sa loob. Ang boyfriend kong pagkalaki laki ng ngisi, binuhat ako na para bang bagong kasal kami papasok sa kwarto.
“Ano ba mamaya makita tayo ng pamilya mo, nakakahiya”. Saway ko dito habang hinahampas hampas ang braso nito.
“Hindi yan, busy sila lahat sa paghahanda” sabay laro nya sa ilong ko.
“Sige na baka hanapin pa nila tayo, halika na sa baba”. Pagsaway ko naman sa kanya
“Halikan na? Ikaw mahal ah ang bilis mo”. Nakakalokong ngisi sabay isang mabilisang halik ang ginawad nya sa akin.
“Hmmppp” sabay batok with feelings.
“Aray ko naman, hmm ikaw ah sadista ka ah, I like that mahal but I wont hurt you, ok lang kahit ako ang saktan——aahhhh!”
Sabay pingot ko sa tenga nya “Ikaw ang halay mo, tara na baka hanapin tayo ng mama mo. Tsaka mukhang maganda dito sa lugar nyo? Pasyal tayo please.” With puppy eye pa.
“O sige na nga, pakiss muna para igala kita” at ngumuso pa na parang bata.
“O sige na tutal na miss din naman kita eh ayiiee” shet kinikilig haha. Ako na ang naunang humalik sa kanya in a smack way pero sya ayaw talaga pumayag, we kissed and we kiss deeply hanggang sa nadadala na ako ng halik nya, tinutugon ko na ang mga labi nyang lumalapat sa labi ko. We kissed and kissed until we heard someones knocking on the door, sa gulat ko, naitulak ko si Anthony dahilan upang mahulog sya sa kamang kinaka pwestuhan namin.
“Sir Anthony, naka ready na daw po ang tanghalian, kain na daw po sabi ni mam”. Isang may edad na babae ang tumawag sa amin, sa hinuha ko ay isa ito sa kanilang kasambahay
“Ok Manang Choleng, bababa na po kami” sagot ni Anthony na halata sa mukha ang pagka dismaya.
“Tsk, ayun na eh. Panira ng moment tong ai manang choleng eh”. Padabog sya tumayo at inayos ang nagusot nyang buhok habang inaalalayan akong makatayo sa kama.
“Halika na baka magtaka na mama mo”. Sabay kaming lumabas ng magkasalikop ang aming mga kamay. Kumpleto ang pamilya nya sa hapag kainan, nandun ang ate nya, dalawang kapatid na lalaki at ang mama at papa nya. Lahat sila nakatingin sa amin pagkapasok sa dining area. Bigla ako nakaramdam ng kaba, bakit ganun parang may iba? I think there is something wrong.
“Maupo na kayong dalawa” malumanay na bati sa amin ng kanyang mama.
"Guys i like to formally introduce to you my girlfriend and hopefully my last, Rafaela. Love, this is my family. Ate Ethel, Paulo, Bryan our youngest and ofcourse my parents". Formal na pagpapakilala sa akin ni Felix. Tinignan ko sila isa isa at nakikita ko naman sa mga mata nila ang saya.
"Hi Rafaela, feel at home ah, enjoy ka lang dito sa lugar namin" sabi ito ng nakatatandang kapatid ni Anthony na si Ate Ethel.
"Salamat po ate" isang ngiti lang ang sinagot nito sa akin.
"Sige na pumwesto na kayong dalawa, welcome to our house Rafaela" ma otoridad namang baling sa amin ng kanyang ama habang tipid itong nakangiti.
"Maraming salamat po tito" Nagpatuloy ang pagkain namin ng tanghalian, andyan pang minsan ay sinusubuan ako ni Anthony na agad ko naman ikinahihiya dahil nakikita kong tinitignan kami ng mga magulang nya. Pilit ko na lang sya sinasaway at sinasabing kaya ko kumain mag isa.
Nang makatapos kami sa pananghalian, agad kaming nagpaalam ni Anthony na mamamasyal. Pumunta kami sa Eskwelahan nya kung saan sya nag aaral ng Criminology. Nasa 3rd Year na sya ngayon, konting panahon na lang at matutupad na nya ang kanyang pangarap.
"Hoy Anthony, bago na naman yang kasama mo ah" isang grupo ng kalalakihan ang nadaanan namin habang papunta kami sa Room nya. May pasok sila ngayon ngunit hindi sya pumasok dahil sa pagdating ko.
"Siraulo, mamaya maniwala to" sagot naman ni Anthony sa kausap nya. Pagtawa na lang ang naging tugon ng kausap nya.
Habang naglalakad kami magkahawak ang kamay, "Eto ang school ko mahal, pasensya kana dun sa kolokoy na yun, nagbibiro lang yun" bigla bigla ay nakaisip naman ako ng kalokohan, pag tripan ko nga.
"Hmm baka naman kasi totoo, di naman nya yun sasabihin kung hindi totoo" tudyo ko pa rito.
"Ikaw lang ang babaeng nagiisa dito" sabay turo pa nya sa dibdib sa gawing puso.
"Hmm siguro sa ngayon" pairap ko pang sagot sa kanya pero ang totoo ay nagtatatalon na ang puso ko sa saya.
"Oo nga, ayaw maniwala. Halika may ipapakita ako sayo". Saka nya ako hinila palabas ng kanilang paaralan. Masaya kaming naglalakad lakad habang magkahawak ang kamay. Panay ang kulitan, sobrang sarap sa pakiramdam. Aasamin mo talagang wag na matapos ang mga sandaling ito. Nakarating kami sa isang simbahan, ang The Chruch of Our Lady of Mt. Carmel. Manghang mangha ako sa ganda ng simbahan, napaka-gaan sa pakiramdam na tignan ang isa sa mga tahana ng dyos. Habang nakatayo kami sa labas ng simbahan, naramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa aking mga bewang at ang isang halik sa aking leeg.
"Maganda ba mahal?" tanong sa akin ni Anthony. Tumango ako habang nakangit.
"Alam mo ba, this church was made an history here in Lipa. Ang simbahan na ito ay kilala dahil sa diumano ay aparisyon ni Birheng Maria kung saan nagkaroon ng pag-ulan ng rose petals na may image ni Jesus, San Jose, Sta. Teresa ng Lisieux, at ng Mahal na Birhen". pagsasalaysay nya habang nakayakap sa akin ng patalikod.
"Wow, eto pala yun". Mangha ko namang sagot sa kanya.
"Yup and i want this church
to mark the history of our love".
(End of Flashback)