Pagka gising ko kinaumagahan, masakit na masakit ang ulo ko. Mugtong mugto ang mga mata ko dala ng pag-iyak sa magdamag. Papano ako papasok ng ganito ang itsura ko? Papaano ako haharap sa mga kliyente namin kung napakabigat ng nararamdaman ko? Gayunpaman, kailangan ko kumilos at magpanggap na ok lang ako.
"Good morning best" Ngiting bati sa akin ng kaibigan kong si Madge.
"Ano nangyari sayo girl, ang aga aga pa ang haggard na ng itsura mo. May sakit kaba?" Bakas ang pagaalala sa mukha ng aking kaibigan ng lapitan ako nito sa aking pwesto.
"Ok lang ako best, medyo masama lang ang pakiramdam ko ngayon."sagot ko naman sa kanya.
" Bakit pumasok kapa? dapat nagpahinga kana lang muna".
"Hindi pwede best, may tatapusin pa ako ngayon, wala na nga ako nung isang araw eh." at nagpatuloy na ako sa aking mga gawain.
"Raf, ok na unit ni Mr. Crisostomo. Ready for pick up na rin today. Sasamahan mo ko sa release ah". Bungad sa akin ni Justin na bigla na lang sumulpot sa likod ni Madge.
"Akala ko na release na yun?" taka namang tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ay nakuha na nila Anthony ang unit na binibili nya sa amin. Kung sasama ako kay Justin sa release, ibig sabihin..... Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Para bang tensyonado akong lumingon kay Justin at Madge.
"Oh best ano nangyari sayo? Bakit namumutla ka dyan?" Pagaalalang tanong naman sa akin ng kaibigan kong si Madge.
"Are you ok Raf? kung masama ang pakiramdam mo, ok lang kahit ako na lang ang mag release. Magpahinga kana lang muna". Sabi naman ni Justin sa akin.
"Ok lang ba Justin? Pasensya kana ah hindi lang talaga maganda pakiramdam ko ngayon. Dito na lang muna ako sa office. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka". Talaga ba Rafaela? Umiiwas ka lang na magkita ulit kayo. Ayaw mo lang sya harapin ngayon. Pero bakit nga ba? Bakit ko ba sya iniiwasan? Di ba eto na yung matagal ko nang gusto mangyari ang makita at makausap muli sya? 'Kasi hindi ko pa alam paano ko sya haharapin ulit' Sabi isang bahagi ng isip ko.
At bigla may naalala ako. "Hoy Justin may kasalanan ka pala sakin". Baling kong muli kay Justin.
"Huh? Ako? Bakit, ano ginawa ko?" Takang taka namang tanong nya pero tanging masamang tingin na lang ang naiaagot ko.
"Ako na lang sasama sayo Papa Justin". Napatingala ako kay Madge ng bigla itong magsalita.
"Ok, let's go". At sabay na nga sila umalis.
Lumipas ang oras, hindi pa rin talaga magaan ang pakiramdam ko hanggang magtatanghalian. Hindi na rin muna ako bumaba para makakain. Balak kong umuwi na ngayong araw, magha half day na lang ako para makapagpahinga na ako. Wala namang tawag o text na nagmula kina Justin kaya sa palagay ko ay naging maayos naman ang transaksyon nilang dalawa. Mamaya maya ay nandito na rin ang mga yon, sakto na rin at ng makapagpaalam ako sa kanila.
Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko, narinig kong bumukas ang pintuan ng opisina. Ngunit hindi ko na nilingon iyon. Nagpatuloy lang ako sa pagliligpit ko para makauwi na rin ako at makapag pahinga.
"Best, mauuna na ako ah. Hindi ko na talaga kaya eh, ihihiga ko na muna tong katawan ko___ayyy" Bigla ako napasigaw at napapikit ng bigla biglang may bumuhat sa akin.
"Ano ba ya___" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pagmulat ko ay mukha ni Anthony ang bumungad sa akin. Bakit sya nandito? At bakit nya ako binubuhat?
"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Anthony na ngayon ay buhat buhat na ako na para bang bagong kasal kami at naglalakad palabas ng opisina. Nahihiya akong yumuko dahil sa nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat ding nakatingin sa inaasta namin dalawa.
"Ibaba mo na ako please" pabulong kong sabi kay Anthony.
"No" Short but in a powerful tone he said.
"Ibaba mo na ako, yung mga gamit ko". Pilit ko pang pagpupumiglas sa pagbuhat nya sakin. Pero sa kabila ng lakas na binibigay ko, mas lalo pa nyang hinihigpitan ang paghawak sa akin. What's wrong with him ba? Bigla bigla sumusulpot na lang.
"No, iuuwi kita. Eugene, kunin mo yung mga gamit ni Rafaela sa table nya". Baling nya kay Mr. Montefalco na nakasunod lang pala sa amin. Hindi ko agad napansing nandito rin pala sya. "Copy sir"
Sunod na namalayan ko ay nasa parking area na kami. Dahan dahan nya akong ipinasok sa loob ng sasakyan nya. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil ayaw din naman nya akong ibaba. Isa pa, pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng opisina hanggang sa makalabas kami dito.
Pagka pasok din nya sa loob ng sasakyan, agad nyang hinawakan ang noo ko. Kinakapa kapa kung nilalagnat ba ako. Sunod ay sa leeg ko, dinadama din kung gaano ako kainit. Hindi ko itatanggi na ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa nya. Ramdam na ramdam ko yung pagaalala nya sa akin. Pero ng maaalala ko kung bakit sumama ang pakiramdam ko ngayong araw na to, bigla akong napasimangot at binalingan sya.
"Ano bang ginagawa mo? bakit mo ko dinala dito sa sasakyan mo? Bababa na ako, uuwi na ako" Kinuha ko ang mga gamit ko kay Mr. Montefalco at saka ko binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Bago pa ako makalabas ng sasakyan, hinatak nya ako sa braso dahilan upang mapaupo ako muli sa loob.
"Ano ba?" Yamot kong baling kay Anthony.
"Mang Jun, sa ospital po tayo" Hindi ako sinagot ni Anthony bagkus binalingan nya ang driver na nagngangalang Mang Jun upang mag drive papuntang ospital. Ano ba naman to, pupunta lang ospital isasama pa ako. Ospital? teka!
"Anong ospital? bakit?" baling ko naman kay Anthony na biglang natigilan din ako ng makita ko ang mga mata nya. Bakas dito ang pagaalala. Kitang kita ko, damang dama ko. Sa tagpong yun nagkaroon din ako ng tyansang matitigan sya ng matagal.
Nasilayan kong muli ang dating Anthony na minahal ko. His stubble beard, his pointed nose, his fine jawline and his kissable lips. Natigil ang mata ko sa mga labi nya, bigla bigla parang gusto ko ito halikan ng matagal. Oh how i miss this lips. How i miss the way he kissed me.
"Don't hesitate love, just kiss me like before. I miss it too" Biglang balik ako sa kaisipan sa sinabi nyang yun. Nakita ko pang tatawa tawa sya sa mga sinabi nya. Nakaramdam ako bigla ng pagkahiya at pagkainis.
"Kapal mo naman, yan nami-miss ko? at tsaka anong ospital? kung pupunta ka ng ospital pwede mo na ako ibaba dito, mauuna na ako". Inis kong sagot sa kanya.
"I didn't say that you miss my kiss, love" oh no! he got me there "At ikaw ang dadalin sa ospital, kailangan mo ma check up ng doctor, Justin told me you were sick kaya hindi ka nakapunta sa release ng unit ko. I want to know that your well, I need your energy, may aayusin pa tayo". Saka sya umayos ng upo.
"Check up? ang OA mo, papahinga ko lang to noh tsaka anong aayusin? wala naman na ah, ok naman na mga documents mo. Ano paba aayusin natin?" Takang taka ko namang tanong sa kanya. Umayos na rin ako ng upo dahil alam kong di naman ako mananalo sa mama na to.
"Us" Seryoso nyang tingin sakin
"Us? tapos na diba? ano pa ba aayusin? Pwede ba iuwi mo na lang ako sa bahay namin". Inis na inis na ako sa lalaking to. Masama na nga pakiramdam ko, sumasabay pa sya.
"Ok kung ayaw mo sa ospital. Mang Jun sa condo tayo" Baling na naman nya sa kanyang driver.
"Ok po sir" At nagumpisa na ngang mag drive ang kanyang driver.
"Bakit sa condo mo? May bahay naman kami". Inis ko na namang baling kay Anthony. Napapagod na ako, gusto ko na talaga magpahinga. Maya mayay bigla nya akong hinila hanggang mapasandig ako sa matipuno nyang katawan habang nakayakap ang mga braso nya sa bewang ko. Really Raf? Kailangan talaga matipuno? kilig na kilig girl? Pilit akong nagpupumiglas pero masyado syang malakas at masyado akong mahina sa mga oras nato. Tumigil na rin ako at hinayaan ko na lamang sya. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.