Pag gising ko, nakahiga na ako sa malambot na kama. Siguro ay nandito na nga kami sa condo nya. Nilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto nya. I was just amazed by the design of this room. The wall paint was very masculine. It combine with colors white, gray and black paint. The curtains are color dirty white. Very minimalist, i like it.
Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok si Anthony na may dala dalang tray ng Pagkain.
"Gising kana pala, kumain kana muna para makainom ka ng gamot." Inayos nya ang mga dala nya sa side table, kinuha nya ang soup at kutsara. Hinalo halo nya ang soup, hinipan at saka ipinasubo sa akin.
Nilasahan ko naman ang soup at saka sya binalingan. "Ang sarap naman nito, saang restaurant mo to inorder?". Seryoso kong tanong sa kanya.
"I cooked it for you, love. Did you like it?" bigla bigla nasamid ako sa mga sinabi nya. Una sa sya daw ang nag luto, pangalawa sa kung nagustuhan ko daw ba at pangatlo sa paulit ulit nyang tawag sa akin ng "love".
Inabot nya sa akin ang tubig "Are you ok?" sambit nya habang pinapainom sa akin ang tubig. Ng matapos kong uminom, kinuha naman nya ang napkin saka pinunasan ang bibig ko.
"Ok lang ako, medyo nasamid lang. Salamat" pilit na ngiting baling ko sa kanya. Ni hindi ko nga ito matignan ng diretso sa mata ngunit pinilit ko pa rin kabayaran na rin sa pagaasikaso nya sa akin.
Saka ko naalalang muli ang mga salitang "Love" o "Mahal". That was a long time ago when i heard him saying our endearment. And why he would always say that now? Malandi na ba sya ngayon? ilang taon lang ang nakalipas, humarot na sya? May asawa na sya pero ganyan pa rin sya umasta na para bang walang nangyari. But one thought strikes in my mind, 'nagluluto na pala sya at masarap ah' infairness, saka ako munting napangiti sa isip ko.
"Sige na, kumain ka pa. Hindi ka pa nakakapag lunch. Tulog na tulog ka kaya hinayaan ko munang makapag pahinga ka." Saka sunod ay sinubuan ulit ako ng dala nyang pagkain. Ng makatapos ako sa pagkain sunod ay ang gamot naman. Sinigurado nyang maiinom ko ito, sya pa mismo ang nagsubo ng tableta sa akin. I admit i like how he treated me right at this moment. I know it's wrong and also i know what i feel right now is so wrong. But why would i let it? Welcome to #marupok club na ba ako?
"Salamat Anthony. Medyo ok naman na ako kaya uuwi na rin ako. Baka nagaalala na si ate sa akin. Salamat sa pagaalaga" tipid kong ngiti sa kanya. Saka ako umayos para makakilos na ako sa paguwi.
"Hindi kapa ok, dumito ka muna, ihahatid kita kapag ayos kana" suhestyon nya sa akin habang pinagmamasdan ako sa pagaayos ng buhok ko. Sa totoo lang hindi pa rin ako ok, gusto ko pang matulog pa at magpahinga. Pero, tumatagal na ako dito sa lugar nya. Paano kung madatnan kami ng asawa nya? Ano na lang ang iisipin nun. Dito pa kami sa kwarto madadatnan, ano na lang ang iisipin nun? Ayoko makasira ng pamilya.
"Bakit ka ba ganyan Anthony? Ano yang ginagawa mo ha?" Paangil ko nang salita kay Anthony. Hindi ko na rin matagalan ang mga inaasta nya sa akin ngayon. Ayoko, natatakot ako. Natatakot akong bumigay. Ayoko maging kabit. 'Wow kabit agad, assuming ka girl?'
"What? Ano ba ginagawa ko? I'm just taking care of you. Your sick and I am so damn worried when Justin told me that. What's wrong with that?"
"Worried? why? Anong nangyayari sayo Anthony huh?" Hindi na ako nakapag timpi ag paaigaw ko syang sinagot.
"Because I love you. I care for you. It's been 5 years since you left me but still your here." Habang tinuturo turo pa nya ang dibdib sa gawing puso nya.
"What? I. Left. You? Come on. Ano pinagsasasabi mo?" Litong lito kong sagot sa kanya. Ako pa ang nang iwan matapos nya akong saktan. Ako pa pala ang mali.
"5 years ago, ok naman tayo. Until one day, I lost contact with you. Wala ka na rin sa bahay nyo sa Laguna. Hindi ko alam saan kita hahanapin. Ano ba nangyari satin Rafaela?" Nagulat ako sa mga sinabi nya. Tinignan ko ang mga mata nya at kitang kita ko dito ang lungkot na ikinapagtaka ko. Bakit? Hindi ba sya masaya kung anong meron sya ngayon? Baka kailangan din namin talagang magusap. Baka ito na rin ang tamang panahon para mapalaya ang isa't isa. Siguro ito na yung closure na kailangan ko din lara makapag move on. Kaya naman tinabihan ko sya sa pagkakaupo. Handa na ako, tapusin na natin to.
"Hindi ako nawala ng basta lang Anthony. Umasa pa rin ako sayo hanggang ngayon. Umasang tutuparin mo yung pangako mo sakin. Pangako na hahanapin mo ako kapag naging pulis ka na. I let destiny move into our relationship. Until one day, i got a text message from you. You said na break na tayo. Sabi mo may nabuntis ka at papakasalan mo sya. At first ayoko maniwala, Kaya patuloy ako umasa sa pagbabalik mo. Months, years passed, wala kapa rin kaya napagod na ako maghintay. Napagod na akong umasa. Akala ko ok nako, akala ko nawala na tong pagmamahal sa puso ko para sayo pero ng makita kita ulit, hindi ko maintindihan. Gustong gusto ko na yakapin ka, gustong gusto ko na halikan ka pero alam kong mali, alam kong hindi pwede dahil may pamilya ka na". Hindi ko na namalayan na umaagos na pala ang luha sa mga mata ko. Ganito ba dapat? Ganito ba talaga?
Tinignan ko si Anthony, tulala lang syang nakatitig sa akin. Nakanganga pa. Kaya naman tinignan ko rin sya at tinanguan na para bang naghihintay ako ng sagot. Ano nangyayari sa lalaki nato?
"What? what did you say?" Takang takang baling sa akin ni Anthony. Ano daw?