Nang makarating sa condo ay agad kong pinagsama sama ang mga gamit ko. Nilagay sa bag, naupo sa gilid ng kama sandali. Anthony's calling, sinagot ko "Hello, love" sagot nito sa kabilang linya pero hindi ako nagsasalita. Tinitigan ko lang ang screen ng phone habang naririnig ko pa ang paulit ulit niyang pagtawag sa akin sa kabilang linya. Ngunit imbis na sagutin, agad ko ring pinatay ang tawag. Ayoko syang kausapin. Ayoko muna siyang kausapin ngayon.
Biglang bumalik sa alaala ko ang paghahalikan nila ng babaeng yun kanina. Sa galit ay bigla kong binasag ang isang picture frame na nakita ko sa bedside table. Picture namin ito na masayang magkayakap. Yung kinikimkim kong luha mula pa kanina, bigla biglang nag-unahan sa mga pisngi ko. Na halos mahirapan akong huminga sa sobrang pagiyak ko. Gusto ko silang balikan, gusto kong sabunutan yung babae, gusto kong pagsasampalin si Anthony. Gusto kong manakit sa sobrang galit. Gayunpaman, naisip ko pa rin ang batang nasa sinapupunan ko. Kailangan ko huminahon para sa anak ko. Kailangan ko siyang pakaingatan dahil alam ko sa loob siya, katulad ko rin siyang lumalaban. Hindi ko hahayaang mapasama ang baby ko dahil sa akin.
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko. Hinanap ko sa phonebook ko ang number ng kaibigan kong si Noel, agad ko itong tinawagan.
"Hello" sabi sa kabilang linya.
"Hello Noel, pupunta ako dyan" walang emosyon kong sagot sa kaibigan ko.
"Ok ka lang ba? umiiyak kaba?" Sabi ng kaibigan ko.
Noel is my childhood friend. Halos magkapatid na ang turingan naming dalawa ni Noel. He is gay and no siblings kaya naman para nya akong little sister.
"Bibili ako ng ticket papunta dyan sa Davao. Can i stay there?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman, its your home too, you are very much welcome here. Susunduin kita sa airport." Agad agad naglagay ako ng mga ilang gamit ko pa sa maleta. Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko, isa lang ang alam ko, gusto ko muna lumayo.
Nakabili na ako ng ticket online, mamaya din ang flight. Nagpaalam ako sa ate ko, ang sinabi ko lang ay may inooffer sa akin na trabaho sa Davao, dun muna ako magta trabaho. Hindi ko na rin naipaalam ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Saka ko na ipapaliwanag.
Narating ko ang airport. Nang tumunog muli ang cellphone ko. It's Anthony again. This time hindi ko sinagot ang tawag nya. Hinayaan ko lang na tunog ng tunog ang cellphone ko. Pagdating ko sa Davao, magpapalit na ako ng simcard. Magsisimula kami ng bagong buhay ng anak ko dun sa Davao.
Nakasakay na ako ng eroplano, konting instruction ng mga cabin crew for safety measures maya maya ay unti unti nang umandar ang eroplanong sinasakyan ko. Umidlip ako dahil sa nawalang enerhiya sa maghapon.
Matapos ang ilang oras, narating ko na ang Davao, bumili muna ako ng bagong sim bago ko tinawagan ang kaibigan kong si Noel. Nasundo naman din nya ako. Habang nasa sasakyan kami pauwi sa bahay nya, tahimik lang akong nakatanaw sa bintana ng kanyang sasakyan, minamasdan ang bawat madaanan.
"What's goin on Raf" tanong sa akin ng kaibigan kong si Noel. Hindi ako sumagot dahil sa luhang magbabadya na namang bumuhos sa mata ko.
Pumikit ako upang pigilan ang luhang paparating na. Ngunit sa pagpikit ko, nakita ko na naman ang imahe ni Anthony at ng babaeng nagngangalang Madeleine na magkahalikan. Dumilat ako ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan. Dumaloy ng dumaloy ang mga luha sa pisngi ko. Dire diretso parang ayaw tumigil.
"Sshhh, it's ok. Magpahinga kana muna Raf" Sabi ni Noel sa akin habang bahagyang tinatapik tapik ang kaliwang balikat ko ng kanang kamay nya.
Makalipas din ang isang oras, narating namin ang kanyang bahay. Dito na naka base si Noel dahil dito na sya nakapagpatayo ng kanyang negosyo. Dahil sa hilig nya sa fashion, mayroon syang boutique dito na nage expertise sa pag gawa ng mga traditional wear, minsan mixed of traditional and modern wears. Ang ibang gawa nya ay ine export pa sa ibang Bansa at karamihan naman halos ay mga kilalang tao o artista ang kanyang mga parokyano.
Magisa na lang si Noel sa buhay. Ang kanyang ina ay namayapa na at ang kanyang ama naman, hindi nya kailanman nasilayan.
Napahawak ako sa aking tyan habang naglalakad sa garden. Saka muling nagbabadya na naman ang aking mga luha.
"Anak, sana mapatawad mo ako sa gagawin kong desisyon." At tuluyan nang na ngang bumuhos ang luha sa aking mga mata.
Nilapitan ako ng kaibigan kong si Noel matapos nyang maipasok ang mga gamit ko sa loob ng bahay nya. Umupo ito sa may gazebo, tinabihan ko naman sya dito. Saka ko sya niyakap at umiyak ng umiyak. Para bang bata na nagsusumbong sa kanyang kapatid, ganito ang naging eksena namin.
"Sshhh it's ok, nandito na ako" marahang hinihimas himas ni Noel ang likod ko, pagpapatahan nya sa akin
Patuloy lang ako sa pag-iyak saka ko sya tiningala. Tinitigan ko sya ng matagal saka nagsalita ng...
"I'm Pregnant"
"What?? to whom?" halos maitulak pa ako nito sa sobrang pagka bigla.
"Makatulak naman, buntis nga diba?" at some part, na miss ko tong bading na to.
"Bruha ka" sabay sabunot pa sa buhok ko.
"Aray naman, buntis diba? napakasama mo. Dapat hindi na lang ako pumunta dito eh sasaktan mo lang pala ako, sinaktan na nga nila ako pati ba naman ikaw?". nagpaawa effect pa ang mukha ko sa kanya.
Napatayo pa sya at nakapamewang habang sinesermunan ako. "Sino tatay nyan ha? wala ka naman nababanggit sa akin na may boyfriend ka ah. Alam na ba ito ng mga kapatid mo?" sunod sunod na talak pa ng bakla.
"Hindi ko pa sinasabi. Sabi ko lang may trabaho ako dito kaya ako nandito"
"Ay gaga ngang talaga" sabay tapik pa sa noo nya
"So sino nga ang ama?" muli tanong nya
Tinignan ko sya ng matagal, seryoso. Tahimik syang naghihintay ng sagot. Nang hindi pa ako nagsasalita ay saka nya ako pinandilatan pa ng mata.
"It's.... Anthony"