'Your 6 weeks and 4 days pregnant'
Paulit ulit lumalaro sa isip ko ang huling sinabi sa akin ng doctor na yun. Pinauwi rin naman kami kaagad ng doctor matapos niyang mag reseta ng mga vitamins at mga gamot pampakapit saka mga kaunting paalala at ang araw kung kailan ako dapat bumalik para sa follow up check-up. Inihatid na din ako ni Gary dito sa bahay at nagpaalam na rin upang makapagpahinga daw ako.
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama dito sa bahay namin. Hindi pwede to. Bakit ngayon pa. Hindi maaari to. Maya maya'y biglang tumunog ang cellphone ko. Anthony's calling. Matagal kong tinitigan lang ang pangalan nyang naka rehistro sa cellphone ko. Dapat excited akong sagutin ang tawag niya, dapat excited akong sabihin kung ano yung magandang balitang natanggap ko ngayong araw na to. Pero bakit may takot? Alam kong hindi ko ito kakayanin magisa, alam kong may karapatan sya na malaman kung ano ang nangyayari sakin ngayon. Pero mas pinili kong wag na muna ipaalam. Sinagot ko ang tawag nya "Hello?" sagot ko sa kanya.
"Love nasan ka, kanina pa kita tinatawagan. Nagaalala nako sayo. Nasan ka pupuntahan kita?" pupuntahan tapos ano ang susunod? magmumukha akong tanga?
"Nandito ako sa bahay. Nag half day ako para makapag prepare sa date natin mamaya". Sagot ko naman sa kanya. Naisip ko din na kailangan ko malinawan kung ano ang ibig sabihin ng Madeleine na yun. Kung bakit sya tinatawag na Fiancé at kung ano ba ang plano nya sa aming dalawa. 'Sige magpanggap ka pa. Galingan mo Rafaela'
"Ok, nagalala ako sayo. Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko. I'll fetch you there later ok? Get rest love." Bakas ko sa boses nya ang matinding pagaalala.
"Ok, see you later, bye".
"Ok love, I love you".
Saka marahan akong pumikit pagkatapos ng tawag nya. Hindi pwede to. Hindi ako matahimik. Gusto ko ng sagot. Kung gusto niyang tumagal kami, kailangan niyang mabigyan linaw sa akin ang ibig sabihin ng mga nangyari kanina. Tumingin ako sa orasan, pasado alas kwatro na ng hapon. Kung pupuntahan ko sya sa kanyang opisina, tiyak na maaabutan ko pa sya. Kailangan ko malaman kung sino si Madeleine. Hindi ko na mahihintay pa ang mamaya.
Tumayo ako at nagpalit ng damit. Dala dala ko rin ang sobre na naglalaman ng ultrasound ng baby namin. Wala akong planong sabihin sa kanya ang ipinagbubuntis ko hangga't wala akong matinong sagot na maririnig sa kanya.
Nagbihis ako pang alis at agad akong nag book ng sasakyan upang mabilis na makarating sa kanilang opisina.
Ilang minuto lang ay narating ko agad ang opisina ni Anthony. Nang makarating ako sa Building nila Anthony ay nagmamadali kong tinungo ang opisina nya. Ang alam ko'y andun pa sya sa mga oras na ito, naghahanda ng kanyang mga gamit, pupunta sya bukas sa Cebu upang makipag meeting sa isa sa kanila investor. Kaya halos lakad takbo na ang ginawa ko makarating lamang sa kanyang opisina. Hindi ko na nagawang i text o tawagan man lang sya sa sobrang pagmamadali ko. Sigurado naman akong nandun pa yun dahil hindi pa sya nagpapaalam sa akin na susunduin na nya ako.
Pagkarating ko sa opisina nya, agad kong nabungaran ang kanyang sekretarya. Nagulat ako sa naging reaksyon nito nung makita ako. Gulat sya at may halong pagkataranta. Hindi naman nya ako ganito batiin dati.
"Nandyan pa si Anthony?" nakangiting tanong ko dito.
"Opo mam nasa conference room pa po, may ka meeting lang". sagot naman sa akin ng sekretarya nya.
"Ah sige dito ko na lang sya sa loob hihintayin ah". Sagot ko naman dito.
"Ay mam nakasarado po iyan eh, hindi rin po ako makapasok dyan." tarantang sagot naman ng kanyang sekretarya.
"Ganun ba" saka ko sinulyapan ang pinto ng opisina nya. Nagulat pa ako ng makita kong hindi masyadong nakasarado ang pinto.
"Oh akala ko nakasarado?" turo ko pa dito.
"Eh kasi mam". Hindi ko maunawaan kung anong gusto mangyari ng sekretarya nya kung bakit ayaw nya ako papasukin. Bigla bigla kinabahan ako sa inaasta nya. Nagpatuloy ako sa pintuan. Ng akmang bubuksan ko na sana ay may narinig akong boses ng babae sa loob. Muli sinulyapan ko ng matalim na tingin ang sekretarya ni Anthony na agad namang ikinayuko nito. Nag-alangan pa akong buksan dahil baka isa sa pamilya nya oh kaya naman ay ang ate nya ang nasa loob kaya naman tumigil muna ako at inalam kung sino ang babae na nasa loob. Pinakinggan kong mabuti ang usapan nila.
"Sinabi ko ngang hindi pwede, bakit ba ang kulit mo?" tinig ni Anthony na para bang naaasar na sa kausap nya.
"Please..." Maarteng pagkasabi ng kung sino man na kausap nya.
"Hay ang kulit mo. Sige na sige na para matahimik ka dyan". Maya maya ay tumahimik sa loob. Napagdesisyuhan kong pumasok na sa loob ng opisina nya. Pagkabukas ko ng pinto, namutla ako sa nasaksihan. Mariing magkalapat ang labi ni Anthony sa labi ng babaeng kanina lang ay nagsasabi sa akin na fiancé nya. Nakita ni Anthony ang pagpasok ko dahil nakabukas ang mga mata nya habang may kahalikan ito. Bigla bigla naitulak nya ang babae at nagmamadaling pinuntahan ako.
"Love" Gulat, taranta, takot tanging ito lang ang mga salitang nakikita ko sa kanyang mga mata sa oras na to. Tinignan ko lang sya ng matalim maging ang babaeng maharot na iyon. Kinuha ko ang sobre ng ultrasound ko sa bag at agad isinampal sa mukha ni Anthony. Walang sali salita, agad akong lumabas ng kanyang opisina. Sa galit ko ay pabalagbag kong naisarado ang pintuan ng kanyang opisina.
Nagmamadali akong tumakbo palayo sa building na yun. Pupunta ako sa condo unit nya. Kukunin ko na ang mga gamit ko sa kanya. For the 2nd time, nasaktan nya akong muli. Yung nasaksihan ko kanina ay ang pagpapatotoo na talagang may fiancé na sya at niloloko lang nya ako. Ang tanga ko. Ang laki laki kong tanga. Hindi na nadala sa unang pangyayari samin. Kung dati sya ang nangiwan, sya ang lumayo, this time ako naman. Ayokong makigulo na sa buhay nya.