Chapter 15

1009 Words
Inalalayan ako ni Gary hanggang sa makarating ako sa table ko. Ngunit habang naglalakad ako sa pasilyo ng building, bigla ako nakaramdam ng hilo at panginginig ng kalamnan. Para bang lumalabo ang paningin ko. Unti unting dumidilim hanggang sa wala na akong nakita, black na. Huli kong narinig ang pagsigaw ni Gary "RAFAELA" at tuluyan na akong nawalan ng ulirat. Nagising akong maliwanag ang paligid. Nakahiga na ako sa kamang kulay puti. Malamig din sa silid. Nasan ako? Ano ginagawa ko rito? Anong nangyari? Maya maya pay bumukas ang pinto, niluwa non si Gary na may mga dala dalang paper bag. "Gising kana pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Gary. "Anong nangyari Gary? Bakit ako nandito?" Balik tanong ko naman kay Gary. "Nahilo ka kanina Raf, wala kang malay kanina kaya naman nagdesisyon na akong dalin ka dito sa ospital." Sagot naman nya sa akin. "Asan ang bag ko? Ang cellphone ko?" nanghihina kong tanong kay Gary na may pagka garalgal pa sa boses. "Nandito lang sa gilid, dinala ko rin ito bago kita dalhin dito sa ospital baka nga kasi ay hanapin mo" at inabot sa akin ni Gary ang bag. Hinagilap ko ang cellphone, tinignan kung may tawag o text ba si Anthony, hindi nga ako nagkamali, 30 miscalls at 10 text messages mula kay Anthony. At ilang text message rin mula kay Madge. Mamaya ko na lang sila haharapin specially Anthony, kailangan naming magusap. Inagaw ni Gary ang pansin ko sa pagtatanong nito. "Nagugutom kaba? eto bumili ako ng pagkain. Kumain kana muna para makabawi ka ng lakas. Iinom ka pa ng gamot mamaya." Tumango ako. Tinulungan niya akong makaupo at saka niya kinuha ang overbed table upang makainan ko. Inilagay nya ang mga pagkaing pinamili nya, siguro ay sa canteen nitong ospital niya iyon nabili. May goto, may kanin at tinolang manok, prutas at juice. Nang maamoy ko ang bawang sa ibabaw ng goto, bigla bigla na lang para ba akong masusuka. Para bang gusto bumaligtad ng sikmura ko sa naamoy. Napansin ni Gary ang pangangasim ng mukha ko saka inilayo sa akin ang goto. "Ayaw mo ba nito?" tanong niya "Hindi naman kaya lang parang hindi ko nagustuhan yung amoy ng bawang kaya parang nangasim ang sikmura ko" sagot ko naman dito na tipong pinipigilan ko pa ang mapasuka. "Sige ako na lang ang kakain nito. Ito na lang Kanin ang kainin mo. Tinola ang binili kong ulam para makahigop ka ng sabaw." Saka nya iniabot sa akin ang kutsara upang makapagsimula na akong kumain. "Salamat Gary" at nagumpisa na akong kumain. Habang kumakain ay saka ko sya nilingon." Gary, maraming salamat sa pagdala mo sa akin dito ah". nakangiti kong banggit sa kanya. "Ano kaba, wag mo isipin yun. Mabuti nga at nandun ako, nadala ka agad dito. Paano kung wala ako? walang magaasikaso sayo." Nakangiti namang sagot ni Gary sa akin. Bigla naman ako nakaramdam ng pagkailang sa paraan ng pag ngiti nya. Para bang may kinang pa sa mga mata nya. Minsan na rin naman kasing nagpahayag ng pagibig nya sa akin itong si Gary. Makailang beses ko na din syang binasted. Gwapo naman si Gary, mala greek man ang itsura. Napakaamo ng mata, matangos na ilong, napakalinis nyang tignan kahit natatabunan ng konting bigote at balbas ang mukha nya. Sa pangangatawan din naman ay napaka kisig nito. Sa katunayan nga, maraming mga kasamahan kong babae ang nagkakagusto dito dahil sa pisikal na anyo nyang taglay. Idagdag pa ang sobrang bait na paguugali kaya naman di kataka taka na maraming magkagusto rito. Hindi ko lang din talaga maintindihan bakit hindi ko maramdaman yung spark kapag kasama ko sya. Oh baka kasi hindi ko lang talaga pinagbibigyan. "Ui, ok ka lang ba? natulala ka na dyan." nakangiti nyang bugaw sa malalim kong pagiisip. Napangiti rin ako at napayuko na lang habang iiling iling saka ko sya muling binalingan ng makabawi na. "Wala, thankful lang ako kasi palagi kang nandyan. Salamat Gary ah". Ngiti sa huli ang tangi ko na lang naisukli. "Alam mo namang lahat gagawin ko para sayo eh, ayaw mo lang kasi ako pahintulutan". saka muli sumeryoso ang tingin nya sa akin. Matagal kaming nagkatitigan, unti unting lumapit si Gary sa akin, palapit ng palapit sa mukha ko "Gary", hindi pa rin sya tumitinag "Gary" patuloy pa rin sya sa paglapit at pagtitig ng makuha ang atensyon namin ng bumukas na pintuan. "Ooppss sorry, did i interrupt you guys?" nakangiting baling sa amin ng isang magandang babae. Sa pagkakataong iyon, umayos naman si Gary at umupo sa gilid. Sinuri ko namang mabuti ang bagong dating at nakita ko ang naka burda sa kaliwang bahagi banda sa dibdib nya 'Dr. Jean Villacorta, OB-Gyne Specialist'. "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ng doktora "Ok naman po doc, Wala naman na pong paghilo akong nararamdaman sa ngayon. Sa pagod lang din po siguro doc. pero ngayon po ay ok na ako." Ngiting paliwanag ko sa doktora. Ginantihan din naman ako nito ng ngiti. "Mabuti naman kung ganun." ngiting ganti naman ni doktora. "Kung wala naman na po gagawin sa akin, baka pwede na po akong umuwi? " tanong ko sa doctor habang nagpupumilit na makaupo sa hospital bed. "Sa ngayon ok ka pero kailangan mong ingatan ang kalagayan mo, mahina ang kapit ng baby mo. Anytime pwede kang makunan." Sabi ni doc na talaga namang ikinagimbal ko. Nagkatinginan kami ni Gary at muli bumaling ako sa doktora na nasa harap ko ngayon. "Ano po doc? Ano po ang sinasabi nyo? Mahina ang kapit? Baby? Ano po ang ibig sabihin nun doktora?" Gulat na gulat kong pagtanong sa doktora. "Yes, you heard me right. Sa ngayon, kailangan mong mag bed rest at reresetahan kita ng mga gamot pampakapit at saka vitamins." sabi nya habang may isinusulat sa chart. Matapos nitong magsulat, saka ito bumaling sa akin. Blangko at litong lito pa rin ang isip ko ngunit ang doktora na nasa harap ko ngayon ay malaki ang ngiti sa mga labi saka muling nagsalita. "Your 6 weeks and 4 days Pregnant".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD