Dumaan ang ilang buwan, naging normal na muli sa amin ang lahat. Nakilala na rin sya ng Ate at wala naman itong problema sa relasyon namin. Maging ang kuya na nasa ibang bansa ay hindi tutol sa pagmamahalan namin. Kaya naman masaya ako na may mga taong sumusuporta sa pagmamahalan namin. Sa bawat araw na magdadaan, nararamdaman ko ang patinding patinding damdamin ko sa kanya. Gayundin naman sya sa akin. Sa bawat araw na magkasama kami, pinararamdam naman sa akin ni Anthony ang pagmamahal nya sa akin. Hindi sya nakakalimot na tumawag, hindi sya nakakalimot na magpaalala at lalong lalo na ang magpalambing.
Pagkapasok ko sa opisina, nabungaran ko ang isang boquet ng bulaklak sa table ko. Mga roses ito at talaga namang ang ganda ng pagkakaayos. Sinalubong ako ng kaibigan kong si Madge na pagkalaki laki pa ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Anong meron best?" agad kong puna sa kanya.
"Wala naman best, masaya lang ako for you. Tignan mo ang sarili mo, hindi kana mukhang 45 years old ngayon. Ang blooming blooming mo na oh, pak oh haba ng hair ng gaga oh." mapagbiro pa nitong puna sa akin habang parang may inaapak apakan pa sa sahig.
"Ay grabe sya sa 45 ah, ganun naba talaga ako ka haggard best?" napasimangot ako sa isiping iyon, ayun naba talaga ang itsura ko before?
"Joke lang, ikaw talaga napaka sensitive mo" habang palayo at pumunta sa table ko para kunin ang mga bulaklak.
"Oh hayan, pampaganda lalo ng umaga mo. Dinala yan ni Mang Jun, iabot ko daw sayo sabi ng Prince Charming mo." iniabot nya sa akin ang mga bulaklak at agad kong binasa ang nakasulat dito.
"Hi love, it's been 5 months since we've been together again. I want you to know that i am so happy every single day knowing that you are here with me. I love you so much mahal. I will not get tired of saying those words with you. See you later mahal, Happy Monthsary"
"Oh no, i forgot, it's our monthsary today. Hala best ano gagawin ko? di man lang ako nakabili ng gift for him". natataranta ko pang sambit sa kaibigan ko.
"Naku naman girl, for sure sa yaman nun lahat meron na sya. Ikaw lang sapat na dun, regalo mona lang yang sarili mo mamaya hihi" nakakaloko pa itong humagikgik
"Loka loka ka, kahit wala naman monthsary willing naman ako hahaha" at sabay nga kaming nagtawanan lang hanggang sa magpunta na kami sa kanya kanyang naming table.
Pagkaupo ko ay saka naman nag ring ang cellphone ko, di na ako magtataka kung sino ito, it's him.
"Yes mahal?" sagot ko sa tawag nya.
"Natanggap mo yung flowers?"
"Yes love, thank you"
"Did you like it?"
"of course, i loved it. Sorry wala akong gift man lang sayo. But i will cook for our dinner tonight, ok ba sayo?" mahiya hiya ko pang tanong sa kanya.
"No love, i dont want you to get tired tonight by cooking our food. It's our monthsary today. Just get ready later, i will pick up you after office ok? May pupuntahan tayo".
"Ok love, i will wait for you. I love you.. wag mo kalimutan lunch mo mamaya ah. Take care of yourself ok, see you later love"
"Ok love, see you later. I love you. Bye"
Nang maibaba ko ang phone ko ay nagpatuloy na ako sa aking trabaho. When Justin showed me out of knowhere. Nagulat ako sa itsura ng mukha nya.
"Oh, napano ka?" takang tanong ko sa kanya. Kung wala kami sa opisina ay masasabi kong galing sya sa marathon sa paghingal nya.
"Raf, sumama ka muna sa akin. May isang babae sa showroom, ikaw ang hinahanap." habol hininga pa rin sya habang nagsasalita.
Agad na akong tumayo, sa itsura pa lang ni Justin mukhang hindi nga biro ang taong naghahanap sa akin.
"Babae? Sino daw? bakit daw?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungong showroom.
Nang makarating kami sa showroom, may babae akong nakita na nakatalikod mula sa gawi ko. Mahaba ang buhok, sexy at sopistikadang sopistikada ang tindig nito.
"Good morning mam, how may i help you?" tanong ko sa kanya. Unti unti ay humarap sya sa akin. Nang tuluyan na syang makaharap ay agad akong nagtaka. Lilit ko syan minumukaan pero... Sino ba sya? Hindi ko sya kilala. Wala ako. matandaamg naging kliyente ko ang isang to.
" So you are Rafaela Fuentes huh" Mataray nyang sagot habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Nagpatuloy pa sya sa pagsuri sa akin sa pamamagitan ng paglalakad nya sa akin paikot. Bigla ako nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko nagugustuhan ang inaasta ng isang to ah. Ano bang problema nito?
"Ahm yes mam?". Nagtitimpi lamang ako pero dahil sa kliyente pa rin, sige, pagtitimpian lang kita.
"Wala naman, tinignan ko lang kung sino ba si Rafaela Fuentes. Sales Agent right? tsk tsk tsk!".
Wow mukhang mayabang ang isang to ah.
"Ahmm what can do for you mam? How may i help you po?" magalang ko pa rin namang tanong sa kanya. Pilit ko pa rin naman syang nginingitian kahit gusto ko na sya sakalin. Ano ba problema ng babaemg to sakin.
"Help? talaga? Tutulungan mo ako?" Pasarkastiko pa nyang balik tanong sa akin.
"Yes mam, ano po ba maitutulong ko? May unit po ba kayong hinahanap?" Sige pa Raf, kumalma ka lang. Aalis din yan mamaya.
"Hmm kung sabihin ko sayong tulungan mo akong palayuin sayo ang fiancé ko? gagawin mo ba?" diretso nya akong tinignan na magkasalikop ang mga braso sa kanyang katawan. Ngunit bigla ako nakaramdam ng kaba ng sabihin nya ang salitang 'fiancé'. Sino ang fiancé na tinutukoy nya.
"Hindi ko po kayo maintindihan mam, sorry" lito ko pa rin tanong sa kanya.
"By the way, I am Madeleine Ortega. Ako lang naman ang fiancé ni Anthony Crisostomo. I know your flirting with my fiancé. Walang wala ka sa kalingkingan ko so please get lost and don't mess our relationship". Pagkatapos nya iyong sabihin ay tulala ko lang tinignan ang pag alis nya. Nakita ko ang iba kong mga kasamahan na matamang nakatingin sa akin. Hindi ko na namalayan na umaagos na pala ang mga luha sa pisngi ko. I even feel my knee get weak. Para bang sa anumang sandali ay babagsak na nga ako. Hanggang sa tuluyan nang nanlambot ang mga tuhod ko. Good thing Gary is there to catch me kaya hindi ako tuluyang napabagsak sa sahig.