Dalawang araw ang nakalipas. We are now ok. Marupok? Oo marupok na ako kung sa marupok. Hindi ko lang kaya dayain ang sarili ko na hindi ko inasam asam ang mga sandaling ito. He visited me often, he calls and text me often. And I should say that I am happy. Anykind of happiness na nawala sakin sa nakalipas na limang taon.
Days become weeks, and week becomes month and where still good na parang walang nangyari. I allow him to enter in my life again. Parang dati lang. Para bang walang nagbago kung paano nya ako itrato dati. Araw araw, walang mintis nya akong sinusundo at ihahatid pauwi sa bahay. Ganitong ganito sya dati noon, hindi niya hinahayaang magisa akong papasok o uuwi ng bahay. Nakakatawa na lang minsan dahil dati isang ordinaryong estudyante lang kami pero ngayon ang isang business tycoon nakakahanap pa ng oras para sunduin ang isang normal na empleyadong katulad ko. Ngingiti ngiti ako ng bigla na lang ako sikuhin ng kaibigan ko.
“Ui…ganda ng smile ah” bati ni Madge sa akin habang nagaayos na sya ng gamit pauwi.
“Wala ito, ano kaba, syempre parang dipa rin ako makapaniwala. Totoo ba talaga Madge? Di ba ako nananaginip lang?” Nakangiti ko pang sagot kay madge habang pumangalumbaba pa sa office table ko.
“Kaya lang may part na natatakot ako eh. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang takot na to. Ayoko na lang din I - entertain. Basta masaya kami ngayon, yun na muna ang importante para sa akin.” Sabi ko kay Madge na ngayon ay bitbit na pala ang bag at handa nang umalis.
“Best, alam mo kung ako sayo, ienjoy mo na lang ang moment na yan. At naniniwala ako na kung may pagdadaanan man kayong pagsubok nyang bebe labs mo, panigurado ako na maipagtatanggol kana nya hindi na katulad dati.” Sagot pa ni Madge habang may ka text ito sa kanyang cellphone.
“Sana nga Madge” tanging tugo ko. "Bat ba ang busy mo? Sino ba yang ka chat mo?" intriga ko naman sa kaibigan.
“So ano best ikaw lang may karapatang mag love life? O sya ba bye na, may date pa kami ni Papa Justin, hindi naman pwedeng ikaw lang luma love life noh, dapat ako din, di ako papahuli noh." sabay hagalpak pa ng tawa ng maharot kong kaibigan.
"Hihintayin mo ba si Anthony?” Tanong ni madge sakin habang nananalamin naman ngayon.
“Oo sabi nya kanina hintayin ko sya” As if on cue, biglang tumunog ang cellphone ko. Anthony's calling.
“Love, I can't come to fetch you. May ilang meetings pa ako na kailangan attend-an, punta kana lang sa unit mamaya please..Sa bahay kana matulog, please.”
“Hmm o sige. Ipagluluto kita ng dinner. Ano gusto mo ulam?” Tanong ko naman sa kanya habang si Madge ngingiti ngiti pang sulyap sakin.
“Kahit ano basta luto mo mahal. Ingat ka ah, text me where you are ok? bye, I love you”.
“Ok, love you too. Tawag ka pag pauwi kana” tinapos ko ang tawag ng may ngiti sa mga labi ko.
“Hmmp yan ah. O sya sabay na tayo bumaba. Lets go?” Aya ni Madge sakin habang umabrisyete pa habang papunta ng elevator.
Dumaan muna ako sa grocery store para makabili ng iluluto ko para sa hapunan namin ni Anthony. Hanggang sa nakarating na ako ng building nya kung saan sya tumutuloy. Isa ito sa condominium na pagma mayari ng pamilya ni Anthony. Kilala na ako dito kaya naman hindi na ako hinaharang pa ng guard. Nang makarating na ako sa penthouse ay agad kong inayos ang mga pinamili ko. Magluluto ako ng sinigang na baboy ngayon, isa sa mga paborito nyang ulam. Agad ko rin sya tinawagan na nakarating na ako sa penthouse.
Ng makaluto, naligo muna ako habang hinihintay ang paguwi nya. Kakalabas ko lang ng banyo ng makarinig ako ng kaluskos mula sa walk in closet. Dahan dahan kong kinuha ang isang figurine, paghahanda kung sakaling masamang tao ang nakapasok. Lakas loob kong pinasok ang walk in closet ng mapasigaw ako sa biglaang pagyakap sa akin mula sa likuran ko. I was about to hit what's on my hand in this strangers head ng bigla nya ako buhatin habang malakas na humalakhak.
“Aarrggghhh ano kaba naman tinatakot moko eh” nakasimabgot kong tingin sa kanya at parang nangaasar pa talaga, tatawa tawa pa talaga sya. Parang bata hmm
“Hehehe natakot ba ang mahal ko? O sige na sorry na, ma massage na lang kita” habang niyayakap yakap ako at hinahalik halikan sa leeg ko.
“Ay naku Anthony ah tigilan mo ko. Dyan ka na nga magbibihis pa ako". tinanggal ko ang mga braso nyang nakapulupot pa sa bewang ko upang makapag bihis ng bigla nyang hilahin ang palapulsuhan ko, dahilan upang matumba kami sa kama at mapahiga ako sa ibabaw nya.
"Ano ba yan Anthony, magbibihis pa ako" pilit kong tayo pero sya mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.
“Ui, I like that mahal. Hhmmm.” Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyapos sa akin.
“Ano ba tumigil ka nga. Tumayo kana at ng makakain na” saway ko pa sa kanya.
“Nakatayo na mahal, ready to eat na” ang loko talaga, ngingisi ngisi pa talaga.
“Hmmp manyak ka, bahala kana nga dyan hmmp” dali dali akong tumayo at patakbong pumunta sa closet upang makapag bihis habang tatawa tawa ko syang iniwan.
Pagkatapos ko magbihis, nakarinig ako ng doorbell kaya naman agad akong lumabas sa walk in closet.
“May bisita ka mahal?” Tanong ko kay Anthony na sumeryoso bigla ang mukha.
Nakita kong nagiba ang aura sa mukha nya. His jaw twitched and his fists clenched. Para bang handa nang manapak anumang oras. Napansin ko rin na tumalim ang mga mata nya. Galit sya. Kung sino man ang bisita nya nasisiguro kong malaki ang galit nya dito.
"Mahal" hindi pa rin nya ako nililingon.
"Anthony" Muli ko syang tinawag and this time napatingin na sya sa akin. I gave him my astonished sight.
"It's Ate Ethel"