Chapter 29 Ken's PoV “Ken!” In just a split sec, napigilan kong itarak ang hawak kong patalim sa dibdib ng lalaking umatake kay Nette. Salamat sa tinig ng isang lalaki na umalingawngaw sa buong hallway para ako pigilan. At bigla na lang nagliwanag ang paligid. “Ano na naman ‘yan Jef? May allergy ka ba sa bago?” tanong ng lalaki. “Tangina talaga niyang master mo—” “Tangina mo rin, Montes. Kinalaman ko diyan?” sabat naman ng lalaking nasa likuran niya at sa pagkakatanda ko ng mukha at boses niya, siya ay si Batik. Siya pala si Montes na sinasabing isa sa mga mentor bukod kina Mia at Batik. Ang laki ng pagkaka-iba nila Batik sa itsura. Itong si Montes ay mukhang kagalang-galang na tipikal professor sa isang university. “Bumalik ka na nga sa unit, papahamak mo pa ‘kong tarantado ka.

