CHAPTER 28 Ken's PoV Matapos namin iwan si Nette sa silid ng Batik na ‘yun, hindi siya mawala sa isip ko. Ito ang unang pagkakataon na maghihiwalay kami ni Nette simula nang kami na lang ang magkasama sa buhay. Isang malaking adjustment sa amin ito. Pero wala naman kaming magagawa dahil kahit saan kami mapunta, sa loob man o labas ng Barracks eh mahirap ang buhay at tiyak ang kamatayan. Mas mabuti nang dito sa Rabidkill mamatay nang lumalaban. Makakamit pa namin ang hustisya para sa aming mga magulang. Nang bumalik na si Kuya Roland sa mansyon at tuluyan na niya kamiing iniwan sa Barracks ay hindi ako mapakali. Lumilipad ang isip ko sa silid ni Batik kaya napag pasyahan kong bantayan si Nette. Nasa hallway lang ako, nag hihintay hanggang sa hindi ko inaasahan na patakbong lalabas si Ma

