CHAPTER 22 Roland’s PoV “Anong petsa na? May training pa tayo. Nakapasok na kayo sa hell. Wala nang atrasan.” Naka-ngisi ako nang matagpuan ko sina Ken at Marianette galing dining room. Masyado akong na-excite dahil sa nangyari kahapon. Napatunayan ko na tama ang desisyon ko na personal kong sanayin at hasain ang dalawang batang ito. Once in a bluemoon lang dumating ang kalibre nla. Nasa dugo kasi nila ang pagiging assassin kaya hindi na nakapagtataka. It is an honor and privilege to train them. Wala naman talaga akong balak na patayin sila kahapon. It was all just a part of their… let’s say, initiation rites. Oo, tama si Mia, sayang si Ken. Pero sayang din si Marianette. Kaya iaalay ko sa kanila ang natitira kong lakas para sila ang pinaka magaling na elite sa underground. Bagamat r

