CHAPTER 21 Marianette’s PoV Sobrang sakit ng ulo ko pagka gising. Akala ko ay nasa langit na ako dahil naka kita ako ng angel “Kuya Enzo? sambit ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo ba talagang nasa harap ko si Kuya Enzo . “Oh, you know me?” Napabangon ako bigla nang magsalita ang anghel. Totoo pala, si Enzo nga! Nandito na pala kami sa mansyon at nakahiga ako sa sofa sa sala. Tumingin ako sa paligid, nasa tabi ko si Enzo habang ako nasa paanan ko naman si Ken.Puro galos ang kanyang mukha at nagulat ako dahil naka benda ang kanyang kamay. Napahawak ako sa aking pisngi, ang sakit. “Ah, stay still. Hindi pa ako tapos gamutin,” sabi ni Enzo at pinigilan niya ang kamay ko para huwag kong hawakan ang aking pisngi. Pagkatapos ay nilapatan niya ako ng malamig na ice bag.

