CHAPTER 10 Ken’s PoV “Ibibigay ko lahat ng pangangailangan niyo. . . Pero kailangan niyong sundin ang lahat ng sabihin ko.” Ano naman kaya ang gustong ipagawa ni Mr. Bantug sa gaya namin ni Marianette? Maglinis ng mansyon niya? Eh hindi naman marunong maglinis si Nette, ni hindi nga siya pinapahawakan ng walis ni Tita Nella. At isa pa, sa laki ng bahay niya, kawawa naman kami ni Marianette. At saka, ang daming tauhan ni Mr. Bantug, mukhang sobra- sobra pa nga ang mga tagapagsilbi niya. Wala talaga akong ideya kung ano ang ipapagawa ni Mr. Bantug sa amin. “Sir…” sabat ni Nette. Ramdam ko ang hiya at kaba niya. HIndi nga naman namin kilala ang kumupkop sa amin kaya nauunawaan ko kung ano man ang nararamdaman niya. Hinayaan naman siya ni Mr. Bantug. “Sir, siguro hindi nakaligtas ang Mama

