CHAPTER 9 Ken’s PoV Nagmamaneho si Kuya Roland, iyon pala ang pangalan ng lalaking kumuha sa amin ni Marianette sa shelter. Tahimik kaming dalawa ni Marianette habang nagmamaneho si Kuya Roland. Napakagara ng kotse na kanyang minamaneho, sigurado akong mayaman ang may may-ari nito. Patungo pa lang kami sa aming pupuntahan sa bahay ng hindi pa rin nagpapakilala, parang daanan ito ng lugar ng mga mayayaman. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba talaga ang buhay ng mga taong mayaman. Habang papalapit kami sa pinakadulong parte, nakita ko agad ang napakataas na gate na bakal. Ang mga baras nito ay makapal at kulay ginto, may maganda na design. May mga gold din na numero ng bahay. Gate pa lang ay magara na agad. Sa gilid ng gate, may maliit na bagay na parang camera yata ‘yon at umiikot-

