CHAPTER 8 Ken’s PoV Nagtago kami ni Marianette sa loob ng kabinet, magkayakap, habang pinipilit na huwag huminga ng malalim para hindi marinig ng mga masasamang loob sa labas kahit pa alam naming wala naman sila sa barong barong na ito. Sadyang nakakatakot lang na sumilip sa labas, ni ang huminga ay nakakatakot gawin baka nariyan lang sila nakamasid. Ang dilim sa loob, at kahit hindi ko makita, ramdam ko ang panginginig ni Marianette. Pinigilan kong manginig ang aking sariling katawan. Kailangan kong magpakatatag at ipakita kay Marianette na malalampasan din namin ito kaya huwag siyang matakot. "Bakit ganito, Ken? Sino sila? Bakit nila–" tanong niya, halos pabulong, nanginginig pa rin ang kanyang tinig. "Hindi ko rin alam. Huwag kang mag-alala, Marianette," sagot ko, kahit ako mismo

