CHAPTER 14 Ken’s PoV “Aalis muna ako. Ihanda niyo na ang sarili niyo dahil magsisimula na kayo sa inyong training.” Napalunok ako nang marinig ko kay Mr. Bantug na magsisimula na ang training namin ni Marianette. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko, ibig sabihin ba ay dadalhin na kami sa underground? Iyon lang ang sinabi niya sa amin at pinalabas niya na si Mariantte at pina-iwan ako. Ang tipid niya talaga magsalita. Ganun siguro talaga kapag matanda na at nag-iisa na lang sa buhay. Kahit nagtataka si Marianette at ayaw pa niyang umalis kung hindi ako kasabay, napilitan na siyang lumabas ng office dahil kabilin-bilinan sa amin ni Manang Emeng na dapat sunod agad sa lahat ng ipinag-uutos. Ayaw ni Mr Bantug ng pinaghihintay siya. Kumindat si Nette bago isara ang pinto,

