CHAPTER 38 Marianette’s PoV Ang unang bagay na itinuro ni Master Batik sa amin na gustong maging bihasa na bumaril ay ang tamang paghawak. “Walang puwang para sa kaba o pag-aalinlangan, kapag humawak ka ng baril, dapat sigurado ka. Mas relaxed ang muscles. Ang dominant na kamay ang mahigpit na nakakapit sa grip, habang ang kabilang kamay ay naka alalay, nakasuporta to ensure the control and balance,” bulong ni Master Batik sa tenga ko habang nakakulong ako sa kanyang mga bisig dahil tinuturo niya sa akin ang tamang shooting stance. Hindi ako nagdadalawang isip o napang hihinaan ng loob. Mula pistol hanggang sniper rifle, bawat sandata ay extension ng katawan ko. Alam ko kasi na dito ako malakas. Ito ang expertise ko. Hindi kasi ako kasing lakas ni Ken o ng mga co-trainees ko sa Rabid

