INDEPENDENT WOMAN 29 Mahaba ang traffic sa daan na aming tinatahak, ang mga sasakyan na panay na ang busina dahil sa tagal ng nakastock sa mahabang traffic. Samantala, ang aming sinasakyan ay hindi ito alintana. Hindi naman kami nagmamadali hindi katulad ng iba na may hinabol pang mga trabaho o kikitain. At matapos ang mahabang traffic na ito ay sigurado naman ako na, hindi na ito mauulit pa. "Kanina ka pa tahimik, ayos ka lang ba?" Nakatingin na tanong ni Sabry sa akin. Tumango ako sa kanya bago maliit na ngumiti, "Ayos lang, huwag mo 'kong aalalahanin. Tapusin mo muna ang ginagawa mo dyan," sagot ko sa kanya. Matapos ko sabihin sa kanya ang aking nalaman ay parehas namin pinag-isipan ang aming gagawin. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng possibilities, ayos lang naman iyon sa side ni mam

