INDEPENDENT 24 Magkahawak ang aming kamay na lumabas ng kwarto at bumababa sa salas. Malawak ang loob ng mansion, ang desenyo nito na nagmula sa Spanish style na hinaluan ng modern design. Hindi din masakit sa mata ang kulay nito kahit saan ka magpunta, nakakatakot nga lang ang hindi mag-ingat dahil kahit sa isang tingin pa lamang ay malalaman mo na mamahalin ang lahat ng mga gamit sa buong bahay na to. “Huh?” naagaw ang aking atensyon ng maramdaman ang pagpisil ni Sabry sa aking kamay. Nang lingunin ko siya ay nag-aalala ang kanyang mukha, malalim ang pagkakatingin niya na tila ba may kailangan ako sabihin sa kanya at kailangan niya din malaman. “Tinatanong kita kung na tapos mo na ba ang isinusulat mo para sa susunod na update,” pag-uulit niya sa kanyang sinabi bago muling pinisil an

