"Synna? Where is your brother?" Tanong ko kay Synna na nanonood na naman ng cartoons sa T.V. "Hindi ko po alam, Mama," Hindi nag-abala na lumingon ito sa akin. I sigh before going to the kitchen to find my son pero walang tao doon. Tinungo ko ang kwarto nila ngunit wala ito doon kahit sa banyo pa. Nagsimula nang maghalo-halo ang masasamang ideya sa isip ko ngunit pinanatili ko na kalmado ang ekspresyon ko. It's impossible that he will be gone. Hindi siya lumalabas ng hindi sa akin nagpapaalam. I inhale before getting my phone and call Bryson. "Why?" Bungad niya pagkasagot ng tawag ko. "Did you saw Sylvan? Wala siya sa buong bahay!" Histerikal kong anas habang kinukurot ang sariling palad. Hindi na ako mapakali habang patuloy na iniikot ang buong bahay sa pagbabakasakaling nagkasalisi

