Hindi ako hinayaan ni Kenjiro na bumalik agad sa Cagayan. Kahit nagpumilit ako ay nagbingi-bingihan siya at dinala ako sa kaniyang Condo. "What are your plans?" Tanong niya sa akin habang parehas kaming nakaupo sa sofa ng kaniyang condo. "Visit my son," I said and we became quiet for a long seconds until I break it. "I—I don't know." "Maybe we should bring your daughter and Bryson here?" He suggested that made me look at him. Alam kong naplano ko na magtatagal ako dito hangga't hindi ko nababawi ang anak ko ngunit nawala sa isip ko na may pamilya akong naiwan sa Cagayan. Nakapa ko ang cellphone ko sa bulsa at agad na pinindot ang numero ni Bryson. "Hello? Sav? Nakuha mo ba siya?" Bungad na tanong nito. Hindi ako makapagsalita at sigurado ako na alam na niyang hindi ko nabawi ang a

