CHAPTER 2

1978 Words
HINDI parin ako makapaniwala sa naganap kani-kanina lang. Kahit isa ay walang nagtangka na magtanong sa akin. Pero ramdam ko na pinag-uusapan nila ako. Base sa galaw ng mga labi at kung paano nila ako titigan ay malalaman agad na ako ang pinag-uusapan nila. Why boss kissed me? I don't know what his reason and why he did that. The only thing in my mind is that, I came here to work. I came here not to flirt with my boss. I was just joking na lalandi ako dito. Kahit na marami ang tumitingin sa akin ay hinayaan ko nalang. Sumakay ako ng elevator para kuhanin ang mga gagamitin ko sa paglilinis ng kompanya. Nasa 15th floor kasi ang mga gamit, ayon kay Manang Lita; Isa rin sa janitress ng kompanya na ito. Hanggang sa elevator ay pinagbubulungan parin ako. Paano ba naman, ang lalakas ng boses nila. Kaya malalaman ko talaga na ako yung pinag-uusapan nila. "Kabago-bago, ang landi." "Isa rin siguro siya sa paglalaruan ni sir Sylvan. Ang ganda pa naman niya, sayang." "Huwag kayo masyadong maingay. Maririnig kayo niyan." Tumawa ako ng mahina at sinadya na iparinig sa kanila iyon. Natahimik naman sila at ng bumukas ang elevator ay isa-isa sila na lumabas. Nanatili ako sa loob dahil 3rd floor ang binabaan nila. Marahil dito ang opisina nila. Pumasok si sir Kenjiro at nginitian ako. Ngumiti ako pabalik kahit halatang pilit iyon. Katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng elevator. "Even he's my brother, He's not good for you." Maya-maya ay nagsalita si sir Kenjiro. Napasulyap ako sa kanya bago bumuntong-hininga. Gaya nga ng sabi ko kanina ay hindi ako nandito upang landiin ang boss ko. "I'm not here to flirt, sir Kenjiro—" "Call me Jiro or Ken. Or if you want, just call me darlin'" He winked before he chuckled. Even he's chuckled is so sexy, darn. "Darlin', I'm not here to flirt with my boss. I need money because my parents is both old. I want to sustent them. I want to give them a life they deserve." I smiled and went out when the elevator opened. I waved my hand before I walk away. I sighed. Ako lang pala ang nandito sa Manila. Wala pala akong magiging sandalan kapag pagod ako. I know Kyrie is busy handling their business. I suddenly realized that I'm alone. Yes, I do have friends pero busy sila. Should I disturb them if I just want someone that will listen to my stories? Should I disturb them if I just want someone to talk? I sighed and then shooked my head. I get the things I need to clean. Nagbihis narin ako ng uniporme ng mga janitress. Pati ang ibang janitress ay pinag-titinginan ako. Bakit ba sila nakatingin? Hindi naman ako iyong unang nanghalik. I sighed and went inside the elevator. Inalis ko ang lahat ng bagay na bumabagabag sa akin at hinayaan ang sarili ko na magtrabaho. Kung saan-saang floor ako na-assign kaya matapos ang trabaho ay pagod ang buo kong katawan. Napaupo ako sa sofa na nakapuwesto sa kanilang lounge. I looked at my wrist watch and it was already 7 in the evening. Hinilot ko ang balikat ko na patuloy ang pananakit. Sasakay sana ako ng elevator kaso ay puno na iyon kaya sa hagdan nalang ako umakyat. I'm here at the 2nd floor of this building at nasa 15th floor pa ang aking mga gamit. "This is hell!" I murmured. Napaupo ako sa sahig ng maakyat ang ikasampo na palapag. Sumasakit na ang buo kong katawan dahil sa pagod. Ganito pala ang sakit sa katawan kapag naging janitress ka. Nahihilo man ay nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa makarating ako sa 15th floor ng building. Pagod kong kinuha ang mga gamit ko at matamlay na nagbihis. Nginitian ko muna ang aking repleksyon sa salamin bago ako lumabas. Sumakay ako ng elevator na ngayon ay kakaunti nalang ang tao, siguro marahil ay ang iba ay nakauwi na. Naisandal ko ang katawan at pinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang isang palad na dumampi sa aking noo sanhi upang agaran akong mapadilat. Nag-aalalang mukha ni Kenjiro ang bumungad sa akin. Pilit kong ngumiti kahit nagmukhang ngiwi na iyon. Pakiramdam ko ay may limang elepante na nakadagan sa akin dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Inilibot ko ang tingin sa buong elevator at nakita na kami nalang palang dalawa ang tao sa loob. Naramdaman kong hinawakan niya ang aking bewang at kinarga na parang bagong kasal. Naamoy ko na naman ang halimuyak ng kaniyang pabango. Darn, I want to stay like this. Pinikit ko ang mga mata at hinayaan na lamunin ng pagod. NARAMDAMAN ko na nilapag ako ni Kenjiro sa isang malambot na higaan. Pinikit ko ang mga mata ng tuluyan na niya akong maihiga. Gusto kong sumigaw sa kilig pero pinipigilan ko dahil gusto ko pang namnamin na nasa tabi ko siya. Naramdaman ko ang pag-alis niya at ang mga yabag ng paa niya. Narinig ko ang tunog ng pintuan at ang papalayong yabag niya. Idinilat ko ang mga mata at inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Hindi pamilyar ang kuwarto na ito kaya marahil ay dinala niya ako sa tinitirahan niya. Naaamoy ko din ang pabango niya dito sa loob kaya sinulit ko na ang pagsinghot. Pinakielaman ko din ang iba niyang gamit sa loob ng kaniyang kuwarto. Kulay asul ang pader at ang ceiling kaya't maaliwalas sa mata. May balkonahe din na natatakpan ng kulay asul na kurtina. Malinis ang paligid na parang walang taong natutulog dito. Binuksan ko ang kurtina na nagsisilbing harang sa balkonahe. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang kagandahan ng view. May mga naglalakihang building na maraming nag-gagandahang ilaw na nagmumula dito at ang kulay ng kalangitan ay nagpapadagdag lang sa kagandahan ng paligid. Itinaas ko ang aking kamay ng makita ang mga shooting star na nagsisimulang magpakita sa kalangitan. Napangiti ako dahil ngayon nalang ulit ako nakakita ng ganoon. Nilipad ng hangin ang buhok ko kaya't itinali ko ito gamit ng aking kamay. Naramdaman ko ang mga matang nakamasid sa akin kaya't nilingon ko ito. Nandoon siya sa tabing balkonahe. Nakamasid ngunit walang emosyon na nababasa sa kaniyang mga mata. Halos manlamig ang buo kong katawan ng bigla siyang umalis sa balkonahe. Bakit nasa kabilang balkonahe si Sylvan? Ipinilig ko ang ulo ko at napatalon ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto ni Kenjiro. Nakangiti kong binuksan ang pintuan ngunit agad ding nanlamig ng makitang si Sylvan ang nasa harap ko. Ipinikit niya ang mga mata bago marahas na hinawakan ang kamay ko at kinaladkad palabas ng kuwarto. "Let's go home." Malamig ang boses niya ng binanggit iyon. Bumaba kami ng hagdan at ngayon ko lang napansin na hindi ito mukhang condo o penthouse. Dito ba ang bahay nila? Nadatnan namin si Kenjiro na may hawak na tray na naglalaman ng pagkain. Napangiti siya ng makita ako ngunit agad ding nawala ng makita si Sylvan. "Darling, You need to eat. It might help you to gain strength." Nakangiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko.  Aalalayan niya sana ako na maglakad ngunit nagsalita si Sylvan. "Touch her and I shoot you." Walang mababakas na emosyon at kasinlamig ng yelo ang boses nito. Sabay namin siyang nilingon at napalunok ako ng makita ang hawak niyang baril na nakatutok sa ulo ni Kenjiro. Halos nanlamig ako sa kinatatayuan ko at lahat ng ala-ala noon na pinilit kong kalimutan ay bumalik. Masaya ako sa nakuha kong marka at patalon talon akong naglakad upang makauwi na sa bahay at mabalita na ito sa magulang ko. Nginitian pa ako ng guard na nagbabantay sa school kaya ngumiti ako pabalik. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagtungo ako sa fishball-an na nasa bangketa. Nilabas ko ang limang piso na natira sa baon ko at agad na binili ito ng fishball. Nakarinig ako ng sigaw kaya nilingon ko ang pinagmulan nito at halos manlamig ako ng makakita ng limang kalalakihan namay hawak na malalaking baril at nakasuot ng maskara na nagsisilbing takip sa mukha nito. Nalingunan ako ng isang lalaki at bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Para siyang demonyo. Unti -unti siyang lumapit sa akin at binitbit ako na parang sako. Pinilit kong makawala ngunit ng inambahan niya ako ng baril na hawak niya ay natahimik ako. Ginawa kong tahimik ang paghikbi ko kahit natatakot na ako. Umandar ang sasakyan at maya-maya pa ay nakarating na kami sa isang lugar na malayo sa kabihasnan. Mas maramiang puno at tanging isang mansiyon lamang ang nakatayo sa lugar na ito. The mansion is beautiful but I'm sure it was hell. "Bitawan niyo ako!" Sigaw ng isa sa mga kasama ko. Nilingon ko siya at nakita na pilit siyang hinahatak ng mga armadong lalaki. Sunod sunod na pumatak ang luha niya kasabay ng mga luha ko. Tanging sigaw niya at hikbi ang maririnig sa buong kapaligiran. Katahimikan na hindi masarap sa tenga kundi isang kapahamakan. "Shoot her." Isang malamig na boses ang nagsalita. Lahat kami ay lumingon sa pinaggalingan ng boses na iyon at nadatnan ng aking mga mata ang isang may katandaan na lalaki. Ngumisi siya ng makita ang takot sa aming mga mata. Tila isang demonyo at ang pinagdalhan sa amin ay impyerno. Hindi pa man nakakabawi ay pumutok na ang isang napakalakas na tunog. Nanlamig at nanginig ang aking mga kamay ng makita ang duguan at wala ng buhay na babae na kanina-kanina lang ay nagsusumigaw pa. Umiyak ang lahat ng nasa loob pa ng sasakyan kasama ako. Nakakatakot. NAIMULAT ko ang aking mga mata at sunod sunod na pumatak ang aking mga luha. Ang panaginip at impyerno na pinilit kong iwaksi ngunit hanggang ngayon ay hindi ko magawa. Nanginig ako sa takot ng masulyapan ng aking mga mata si Sylvan. Dahil sa kanya ay bumalik ang ala-ala na nagpahirap sa akin. "Ayos ka lang? You fainted." Tanong niya pa at sinubukang hawakan ang aking mga kamay ngunit iniiwas ko ito. Natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa posibleng gawin niya. Why he need to brought a gun even he's not a police? "K-ken..." Naiiyak na tawag ko kay Kenjiro ng makita siya na nandoon sa sofa ng kuwarto. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Nag-aalangan man ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang nanlalamig at nanginginig kong palad. Naramdaman ko ang pagtayo ni Sylvan sa aking tabi ngunit hindi ko siya sinulyapan. "I will shoot you, Kenjiro. Remember that." Narinig kong bulong nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Sunod sunod na naman na pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata at napayakap kay Kenjiro. Umiling-iling ako dahil sa pagod ng aking isip. "A-ayaw ko ng maalala iyon..." Nanginginig ang boses na sinabi ko. Isiniksik ko ang ulo ko sa leeg niya at hinigpitan ang pagkakayakap ko. I can't forget everything that happened. The pain still linger in my memory. Everytime I hear someone mentioning gun, it always triggered. And those people that mentioning it, I always ended up hating and ignoring them. How will I work if that someone is my boss? Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Kenjiro at walang pakundangan na siniil ng halik ang kaniyang labi. Wala na akong kaisip na solusyon upang mawala iyon sa alaala ko. Naramdaman ko ang pagkabigla niya ngunit humalik siya pabalik. His lips was so soft and sweet. Ilang kuryente ang naramdaman ko ng lumalim ang halik niya. Halos nakadagan na rin ang buo niyang katawan sa akin. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil bigla nalang akong nakarinig ng putok ng baril at ang pagbigat ni Kenjiro. Naramdaman ko ang malapot at mainit na basa na umaagos mula sa likod niya. Nilingon ko ang may gawa no'n at nasulyapan si Sylvan na madilim ang mukha habang nakahawak sa baril. "T-tulong.." Mahinang anas ko at sunod sunod na lumuha bago tuluyang nilamon ng kadiliman na kinaayawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD