Kahit nag ngingitngit ang kalooban ay walang nagawa si Paraluman kundi huminga ng malalim. Patungo na siya sa room number ni Red sa presidential suite kung saan ito palagi naka check-in. Napag-alaman niyang exclusive pala ang kwartong iyon para dito kaya pala naiiba at sobrang ganda. Malaki ang space at overview ang buong hotel mula sa veranda ng kwarto. Iyon din ang kwartong nilinisan niya dati noong unang araw niya sa trabaho kaya hindi na siya nagtanong kung saan niya ito maaaring puntahan. Isa pa ay connected ang intercom device nila ang lahat ng mga telepono sa bawat suite ng hotel. May isang oras siyang break at babalik siya ng 1pm sa area. Pagdating sa harap ng kwarto ng lalaki ay nakagat niya ang labi at dahan-dahang kumatok. Isa, dalawa tatlong katok ay agad namang bumukas a

