Kinabukasan ay maagang gumising si Paraluman. Nagluto siya ng maaga at naghanda para sa pagpasok sa trabaho. Sakto dahil hindi pa nagigising ang anak niya at si Ella. Alas singko palang kasi ng umaga pero heto't nakaligo na nga rin siya. Ang totoo ay hindi talaga siya nakatulog. Kahit anong gawin niyang pagpikit sa nakaraang gabi ay parang may sariling isip ang utak niya at lumilipad sa kabilang panig ng Pilipinas. Partikular sa isang tao. Para bang tuksong bumabalik sa utak niya ang nangyari sa kanila ni Red Santibañez. Kung gaano kabilis nilang umabot sa ganoon at kung paanong hindi niya kayang pigilan ang sarili kapag nasa malapit ang lalaki. Lahat-lahat na yata ay sabay-sabay na pumapasok sa isip niya. Naririndi na siya sa totoo lang at nakakapagod din. At kahit ngayon na nas

