"NANAY!" Sukat sa narinig ay agad na patakbong tinungo ni Paraluman si Peri. Halos isubsob niya sa sariling dibdib ang maliit na katawan ng bata dahil sa higpit ng kanyang pagkakayakap. Ni hindi niya namalayang umiiyak pala siya dahil sa sobrang relief na nararamdaman. "Saan ka ba galing anak? Pinag-aalala mo si nanay, alam mo ba `yon?" hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at tinitigan ng maayos ang buong mukha. Tila ba gusto niyang siguraduhing si Peri nga ang hawak niya ng mga oras na iyon. Pero hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya. "Peri ano?! Bakit ka umalis, diba sabi ko bawal ka lumayo kay nanay? Bakit hindi ka sumunod?!" medyo napalakas na ang kanyang boses sa sobrang frustration. Natigilan lang siya ng makitang humuhikbi na si Peri. "Sorry po nanay. Sinundan ko

