Humugot ng malalim na hininga si Paraluman. Unti-unti ay parang may nakapalibot na mahika sa kanilang dalawa ng lalaki. Tila ba kahit anong pigil niyang hindi maapektuhan sa ginagawa nito ay nagiging imposible. Ni hindi niya maisip na nasa harap lang sila ng pinto at sobrang dikit sa katawan niya ang katawan nito. Tiyak na sa oras na lumabas ang isa sa kanyang kapitbahay ay mag-iisip ng hindi maganda kapag nakita sila. Ang mainit nitong hininga ay tumatama sa leeg at balikat niya pero parang naging tuod ang kanyang kamalayan dahil wala siyang ginawa upang pigilin ang lalaki. Sadyang nawawala siya sa katinuan ng mga oras na iyon. "Did you miss me too? hmm?" Ang boses na iyon ay mahina, parang bulong lang pero iba ang epekto sa sistema niya. Namiss ba niya ito? Ang sagot ay hin

