Sa narinig ni Paraluman ay tila bigla siyang natauhan. Ang kaninang panghihina ay napalitan ng pagsisisi. Talaga, Paraluman? Di yata't wala na siyang kawala sa lalaki sa mga oras na iyon dahil ipinaubaya na niya dito ang sarili. Namumula ang mukha na umayos siya ng upo at inayos ang nagulong buhok. Nasa harapan parin niya si Red pero nagkaroon na sila ng kaunting distansya. Malapit parin ito sa kanya at wala siyang ideya kung may balak pa itong lumayo. Ang panty niyang nawasak ay hindi niya alam kung saan nito itinapon kaya bahagya niyang pinagdikit ang dalawang hita. Nakakailang din kasi ang mainit na titig doon ng lalaki pero pinili niyang huwag bigyan ng pansin. "H-hindi porket nangyari ang bagay na ito ay ibig sabihin pagmamay-ari mo na ako. Hindi ako isang bagay na pwede mo

