Hindi na mabilang ni Paraluman kung ilang beses niyang tiningnan ang malaking wall clock na nakasabit sa gradiosang pader ng hotel. Kanina pa siya aligaga at hindi mapakali na parang may darating na delubyo. Nang makitang alas dos palang ng hapon ay huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Tinuon niya ang buong atensyon sa pag-aayos ng mga reservations sa araw na iyon. Ang balak na pagreresign ay itutuloy parin niya pero hindi pa ngayon. Kaninang umaga bago niya iniwan si Peri sa pangangalaga ni Ella na kapitbahay niya ay halos naubos ang umaga niya kakabilin sa dalaga sa mga dapat na gawin. Nasa loob lang ng bahay niya ang mga ito at safe naman sa village nila at saka mababait ang mga tao doon. Nag-iwan din siya ng cellphone na pwede niyang tawagan si Peri anumang oras. At kan

