"Dig in, woman..Stop looking at me like it's me who you wanted to devour and not the food." Sa sinabing iyon ni Red ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Nakakahiya! Kanina ay lang ay gulantang siya sa sinabi nitong siya ang magiging susunod na menu pero pagkatapos non ay hindi naman niya mapigilan ang sariling titigan ito. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang paligid. Ang tensyon sa pagitan nila ay mas lalong nangingibabaw kahit nagsimula na silang kumain. Pero kahit na ganon ay pinilit niya ang sarili na pakalmahin. Itinuon niya ang atensyon sa pagkain na hindi pangkaraniwan para sa kanya. Nakikita lang niya ang ganito sa internet at minsan ay sa mga mamahaling resto na hindi niya naman afford. Pero kahit na gaano kasarap ang pagkain sa kanyang harapan ay tila hindi siya makalu

