NAKABIHIS na si Paraluman. Ternong pajama, jacket na makapal ang napili niyang isuot. Napangiwi siya sa init na naramdaman pero hindi nalang niya iyon pinansin. Kailangan niyang balutin ang sarili dahil may isang pangahas na basta nalang sumusulpot sa bahay niya. Nag-init ang kanya ng pisngi nang maalala ang nangyari kanina lang. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang pinagalitan ang sarili dahil sa kagagahang nagawa. Para siyang apoy kanina na bigla nalang nagningas at hinayaan ang sarili na matupok sa init. Muntik nang may mangyari sa kanila. At ang nakakahiya pa ay tila ang lalaki pa ang nagpigil sa sarili para hindi iyon tuluyang mangyari. Dahil wala man lang siyng ginawa kundi magpatangay sa haplos at halik nito! Nagpapadyak si Paraluman sa loob ng kwarto at sinabunutan

