Pagka-upo palang ng pwet ni Paraluman sa kanyang area ay nagsimula agad siyang magtrabaho. Paano ay limang minuto siyang late na dumating kaya`t masama ang tingin sa kanya ni Ms. Cindy. Nasaktuhan pang nagra-rounds ang supervisor nila nang dumating siya kaya nagkasalubong niya ito. Nang sumapit ang break time ay hindi na siya umalis sa working area. Hindi din naman kasi umalis ang mga kasama niya at busy ang mga ito sa pinag-uusapan. Tamang pakinig lang naman siya sa mga ito at tahimik na pinapapak ang cashew peanuts na kasama sa grocery ni Mr. Santibañez noong nakaraan. And speaking of that handsome devil, wala na ito kanina pag-gising niya. Pero alam niyang mag-uumaga na itong umalis dahil hindi naman siya nakatulog talaga. Nagpa ikot-ikot lang siya sa kama dahil hindi maalis sa kany

