"Luman? Ano nga ang sabi ng big boss? Paraluman?"
Parang walang narinig si Paraluman sa paulit-ulit na tanong ni Rose sa kanya habang pabalik sila sa kanilang area. Maski siya ay naguguluhan kaya paano niya sasagutin ang tanong nito?
"Hoy, babae! Bakit ganoon? Hindi ko masyado narinig ang sinabi ng big boss kasi natulala ako sa kagwapuhan niya, Luman?!" tumatakbong hinabol na siya si Rose dahil mabilis ang kanyang hakbang. Wala talaga siyang maisagot!
Kahit nang makarating sila sa kanilang pwesto ay balisa parin siya. Nagtataka ang mukha ng dalawa pa nilang kasama ng makita siyang nakasimangot, mabuti nalang ay umalis agad ang mga ito para kumain kaya hindi na niya kailangang magpaliwanag. Tanging si Rose ang hindi siya talaga tinantanan.
"Paralu-
"Hindi ko din alam." putol niya sa nais pa sana nitong sabihin.
"Ha eh-
"Please, hindi ko talaga alam kung anong trip ng big boss dito at gusto niya akong paglinisin ng kwarto niya,." sa wakas ay naibuka na niya ang bibig upang magsalita. Halatang nagulat ito sa narinig dahil kita niya ang pag-awang ng labi nito.
"Linis? Ikaw? Bakit daw? Hindi ka ba nagkamali sa in-applayan at baka sa housesekeeping ka natanggap?" sunod-sunod ang naging tanong nito sa kanya.
Napailing siya ng ilang beses at huminga ng malalim. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sa dinami-dami ng empleyado ay siya pa ang napagtripan ng may-ari. Naiinis siyang isipin na wala talagang pakialam ang mga mayayaman sa i-aasta ng mga ito basta`t kung ano ang sinabi ay iyon ang masusunod.
Sa mga sumunod na sandali ay may mga guest na ulit na dapat na asikasuhin kaya natigil si Rose sa pagtatanong. At mas mainam nga iyon para makapag-isip siya ng mabuti.
Ay dahil wala naman talaga siyang choice ay kailangan niyang sundin ang utos na iyon. Siguro naman ay hindi na ito mauulit pa bukas. Baka siya lang talaga ang naisipang paglinisin ng kanilang big boss dahil siya ang unang nakausap nito kaninang umaga.
Malay naman niya na ito pala ang may-ari diba? Kung sana pala ay hindi na siya sumakay sa elevator kasama nito kanina! Tama. Iyon lang talaga ang dahilan at wala nang iba. Unless may lihim itong galit sa kanya at gusto siyang pahirapan na imposible naman dahil ito palang ang unang araw na makita niya ang boss nilang iyon.
Ang buong akala pa naman niya ay magiging masaya ang kanyang unang araw sa trabaho. Pero de bale nalang at marami pa namang susunod.
Sa naisip ay medyo kalmado na si Paraluman. Bumalik lang ang kaba niya ng masagot ang isang tawag na akala niya ay sa isang normal guest lang sa hotel ngunit hindi pala.
"I`m waiting for almost an hour. When are you coming here?" anang boses sa kabilang linya na nagpakabog sa kanyang dibdib ng sobra.
Isang oras? Ni hindi niya namalayan kung ilang oras na ang dumaan simula nang bumalik siya kanina sa pwesto.
Hindi tuloy agad siya nakasagot at bumukas-sara ang bibig. Kahit hindi niya itanong kung sino ay tila may ideya na siya sa buo at malamig na boses na iyon.
"This is Ms. Cruz, right?" ulit nito dahilan para bigla siyang tumango kahit hindi naman nito nakikita. Tila may bumikig sa kanyang lalamunan kaya ayaw lumabas ng kanyang boses.
Nagtatakang napatingin sa kanya ang isa nilang kasama ngunit nag-iwas nalang siya ng tingin upang hindi nito mahalata.
"Y-yes, sir. " aniya sa mahinang boses.
"Then what are you waiting for? I meant what I sad earlier."
Huminga muna siya ng isang beses bago nagsalita. Wala naman na siyang choice.
"Give me your room number, sir."
Siya naman ngayon ang kumunot ang noo nang hindi ito agad makasagot. Mukhang nagulat yata ang lalaki sa agaran niyang pagpayag. FRONTDESK or RECEPTIONIST ang trabahong in-applayan niya pero magiging personal chambermaid pa yata siya ng may-ari ng hotel. Ang galing!
"S-sir?" pagkuha niya sa atensyon nito.
Agad naman itong tumikhim bago sumagot.
"It is room 605."
Pagkababa ng tawag ay dahan-dahan niyang ibinalik ang intercom. May nginig siyang nararamdaman sa mga kamay pero hindi niya iyon pinansin. Nagawa pa nga niyang ngumiti sa mga kasamahan at sabihin kung pwede siyang mag excuse para mag CR mabuti nalang ay wala namang nagtanong pa sa kanya bukod sa mata ni Rose na tila may pagtataka.
Nakapagdesisyon na siyang huwag nalang sabihin sa kanila na maglilinis siya ngayon sa isa sa mga kwarto. Ayaw niya ng maraming tanong kaya gagawa nalang siya ng paraan para pumuslit. Kakausapin nalang niya ang big boss na ipagbigay-alam kay Ms. Cindy ang nais nito para hindi siya matanggal sa trabaho at masabihan pang incompetence.
Sigurado ang hakbang ni Paraluman patungo sa hallway. Hindi na niya kailangang sumakay ng elevator dahil nasa floor lang na ito ang room 605. Sana pala ay hindi siya sa presidential suit at VIP room in-assign baka hindi pa sila magtagpo ng big boss kanina at hindi na sana siya maglilinis ngayon.
Pagdating niya sa harap ng pinto ng room 605 ay atubili pa siyang kumatok. Ilang beses niyang sinubukang itaas ang kamay ngunit agad ding binababa. Nakikipag argumento pa siya sa sarili kung pipindutin ang bell o hindi nang bigla nalang bumukas ang pinto.
Napaawang ang kanyang labi nang makitang naka roba ang lalaking kaharap niya. Nag-iwas siya ng tingin at yumuko.
"Good afternoon, Mr. Santibañez." lihim siyang nagpasalamat at hindi na siya nautal. Siguro naman ay may karapatan siyang magtampo dahil hindi naman talaga ito ang totoo niyanng trabaho.
Hindi naman ito sumagot pero binuksan nito ng malaki ang pinto para makapasok siya. Nauna na itong tumalikod kaya hindi niyaa mapigilang hindi matitigan ang matangkad nitong tindig. Sa totoo lang ay nakakatakot pala kapag kaharap ito lalo na ngayong alam niya na ito ang boss nila. Ibang-iba ang aura nito kanina dahil mas dominante ang dating nito ngayon. Malamig din tingin nito sa kanya na tila gusto nitong balutin siya ng yelo sa kinatatayuan.
"You can start in my bathroom. After that, clean my bed and make it quick. I`m tired and I wanna sleep." narinig niyang sabi nito habang papasok sa loob ng kwarto.
Hindi parin nawawala ang kaba niya nang sumunod siya dito para kunin ang panlinis. Walang salitang dumeretso siya sa banyo kahiy hindi siyan sigurado kung iyon ba talaga ang saktong pinto. Basta nalang kasi siyang pumasok dahil parang hindi siya makahinga ng parehas na hangin ni Mr. Santibañes.
Mabuti nalang ay banyo ang napasukan niya. Tipikal na banyo ng isang presidential suit. Malaki. magara. may bath tub at jacuzi sa gitna. May malaking flat screen Tv rin sa granite na wall at isang shower room na salamin ang lahat ng dingding.
Wala naman siyang nakikitang dumi pero naglinis parin siya. Sanay naman siyang maglinis dahil lumaki siya sa isla at isa ang paglilinis sa bahay ng mga teacher niya ang kanyang raket kaya siya naka graduate.
Mga ilang minuto din siyang nagkuskos sa lahat ng sulok, hindi alintana ang damit niyang pang opisina. Nang matapos ay pawis na pawis siyang lumabas ng banyo.
"Are you done?" bahagya siyang napatalon sa biglaan nitong pagsasalita. Nakaupo ito sa malaking couch at may hawak na ipad. Nakade-kwatro pa ang lalaki na parang isang hari.
"O-oo. I mean, yes, sir."
Akma siyang lalabas ng pinto nang muli itong nagsalita.
"Fix my bed." anito,
Nagtataka naman siyang napatingin sa malaki nitong kama dahil sa tingtin niya wala naman nang dapat na lilinisin doon. Maayos at walang kahit maliit na gusot siyang nakita.
Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya kaya dinugtungan nito ang sinabi.
"Change its cover, I don`t like the color."
Hindi niya mapigilang itaas ang kilay. Seryoso ba ang lalaking ito? Dahil lang sa kulay kaya gusto nitong palitan niya ang cover! Hindi ba nito alam kung gaano kabigat iyon?
Tahimik siyang humugot ng hininga. Relax, Paraluman. Alalahanin mong kailangan mo ang trabaho na ito. Paalala niya sa sarili.
"Okay, sir." sabi nalang niya.
Walang reklamo siyang lumapit sa kama at nagsimula nang kunin ang mga malalaking unan. Kasunod niyon ay hinila niya ang bawat dulo ng makapal na bedsheet. Akala niya ay mapuputol ang litid niya sa sobrang bigat niyon pero kinaya naman. Hindi nga lang niya namalayang napapaungol na pala siya ng mahina sa bawat hatak niya ng makapal na bedsheet. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng pawis niya sa noo at dibdib. Hindi nalang niya iyon binigyan ng pansin at binilisan ang kilos para matapos na at makaalis na siya.
Nakaka- distract kasi kumilos na may nanonood sa kanya. Pakiramdam niya ay may laser na nakatutok sa buo niyang katawan.
Pinalitan niya ng kulay maroon ang bedsheet nito at wala siyang narinig na reklamo kaya ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Nang sa wakas ay natapos na iyon lahat ay napahinga si Paraluman ng maluwag.
Hindi pala talaga madali ang trabaho ng isang chambermaid! Nagpapahid siya ng pawis sa mukha nang muli niyang narinig ang malamig na boses ni Mr. Santibañez. At hindi niya napaghandaan ang lumabas na salita sa mga labi ito.
"You are so familliar, Ms. Paraluman Cruz. Have we met before?