CHAPTER 5

1193 Words
NAPATITIG si Paraluman sa seryosong mukha ni Mr. Santibañez. Iniisip niya kung sasagutin ang tanong na iyon o hindi. Ngunit baka naman magalit ito kaya`t ibinuka niya ang bibig para sumagot. "Kaninang umaga po, sir. Ako po iyong nakasabay ninyo sa elevator." mahinahon niyang sagot kahit ang totoo ay nagsimula nang manginig ang kanyang kamay. Pinilit niya parin na maging kaswal sa harap nito kahit alam niya sa sarili na malaki ang impact ng tanong na iyon sa kanya. Tila ba may isang parte ng nakaraan niya ang biglaang bumalik. "Was that really the first time we met?" tanong pa ulit nito sa walang emosyong tono. Ikiniling niya ang ulo at kinunotan ito ng noo. "Sa pagkakatanda ko ay opo. Bakit po, sir?" Matagal bago ito sumagot na wari nag-iisip ng malalim pagkatapos ay umiling. Lihim niyang nakagat ang labi at ikinuyom ang mga palad sa inakto nitong iyon. "Nothing. Is my bed already done?" Tumango siya at nilingon sa kanyang likuran ang maayos na kama. Hindi na siya nagsalita pa sa takot na mautal. Nang tumayo ang lalaki ay tila may isang tore na nakatayo malapit sa kanya. Napalunok siya at dahan-dahang umalis malapit sa kama. Gusto na niya umalis sa lugar na iyon sana. Pakiramdam niya kasi ay hindi aabutan ng ilang minuto ay kakapusin na siya ng hininga. "M-may ipapagawa pa ba kayo, sir?" nagawa pa niyang itanong. Nasa edge na ito ng kama pero mukhang wala pang balak na sumampa. Nag-iwas ng tingin si Paraluman ng akmang huhubarin nito ang suot na roba. Jusko! Pwede naman itong maghubad kapag nakaalis na siya pero bakit tila gusto pa yata nitong may audience! "You can now leave." sa wakas ay sambit nito. Tumango lang siya at hindi na nagtangka pang lumingon sa gawi nito, pagkatapos ay mabilis ang paa niya na tumalilis ng hakbang palabas ng kwarto. Nang sandaling makalabas si Paraluman sa silid ay tila siya isda na itinapon pabalik sa tubig. Nakahinga na siya ng normal at bumalik na sa maayos na pagtibok ang kanyang dibdib. Mabilis din ang kilos na lumabas na siya ng unit nito. Hindi na niya alintana kahit medyo basa ang paldang suot niya basta tuloy-tuloy ang lakad niya palayo sa lugar na iyon. Bago bumalik sa pwesto ay lumiko muna siya sa nakitang powder room sa kabilang pasilyo. Nagpasalamat siya na walang tao doon kaya agad niyang nilock ang pinto. Pagkapasok ay may malaking salamin sa ibabaw ng sink. Doon siyan humarap at tinitigan ang sariling repleksyon. Kapakuwan ay napapikit si Paraluman at pilit na inaalala ang isang pangyayari sa kanyang buhay. Tila ba bumalik siya sa gabing iyon kung saan pilit na niyang ibinaon sa limot. Isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang panghabambuhay na responsibilidad. Walang-wala ang pawis niya kanina sa paglilinis sa malamig na pawis na lumulukob sa kanya ng mga sandaling iyon. Bakit parang hinahabol yata siya ng nakaraan? Bakit kung kailan limot na niya ang gabing iyon ay saka naman biglang may bangungot na dumarating? Kahit anong pilit niyang magkunwari na hindi siya apektado mula pa kaninang umaga ay talagang tinatalo siya ng pagiging mahina sa loob niya. Ang totoo ay sa sandaling marinig niya ang buo at malamig na boses ni Mr. Santibanes ay may kutob na siya. Binalewala lang niya iyon dahil umaasa siyang sana ay nagkakamali lang. Na sana nga ay magkaboses lang. Hindi isang beses na iwinaglit niya sa isip na baka ito nga. Ngunit nang matitigan niya ang kulay abo nitong mga mata kanina sa hallway ay nagsimula nang magrigudon ang kanyang isipan. Kahit halos lagpas apat na taon na ang lumipas ay hindi niya magawang kalimutan ang mga matang iyon lalo na`t araw-araw ay nasisilayan niya ang kaparehas na kulay ng anak niyang si Peri! At nakakabaliw isiping mukhang naalala din siya nito dahil sa tanong na iyon kanina! Pero sana ay hindi. Ang tanging pinang hahawakan niya na hindi siya nito tuluyang makilala ay dahil madilim ang silid na pinangyarihan noon. At ang katotohanang nasa normal siyang estado ng mga panahong iyon dahil hindi naman siya lasing o kahit naka-inom man lang. Hindi katulad ng lalaking nakasama niya na halatang wala sa huwisyo at amoy alak ito ng gabing iyon. Hindi niya tuloy alam kung matatawa o ano sa sitwasyon niya ngayon. Sa dinami-dami ba naman ng kompanya na pwede niyang pasukan ay dito pa talaga siya napadpad. At sa laki ng lugar sa Manila ay sinong mag-aakalang magkakasalubong pa sila ng taong sandaling naging parte ng kanyang kagagahan sa nakaraan. Kung alam lang siguro niya na ito pala ang may-ari sana hindi na siya tumuloy. Kay liit nga naman ng mundo. Pakiramdam niya tuloy ay napaglaruan siya ng tadhana. Unti-unti ay idinilat ni Paraluman ang mata. Kasabay niyon ang pagbalik ng isip niya sa kasalukuyan. Nakapag desisyon na siya. Kahit anong mangyari ay mananatiling lihim para sa kanya ang alaala ng gabing iyon. Hindi-hindi siya kailanman magkakaroon ng kahit katiting na koneksyon sa lalaki at lalong-lalo na hindi siya gagawa ng isang bagay na maaaring magdulot ng kaguluhan sa buhay niya. At sa tingin niya ay hindi siya mahihirapang gawin ang bagay na iyon dahil sino lang ba siya para pagtuonan ng pansin? Imposibleng mabaling ang atensyon nito sa kanya dahil sa dami ng babaeng pumipila sa paanan nito. Malaki ang tyansa na nagkataon lang na pamilyar ang kanyang mukha kaya siya nito natanong ng ganoon. Tama! Sa isiping iyon ay nakahinga ng maluwag si Paraluman. Ibig sabihin ay makakapag-trabaho siya ng maayos na walang inaalalang iba pa. Sayang din kasi kung bigla siyang aalis gayong alam niyang mahihirapan siyang maghanap ng maayos na mapapasukan katulad dito. Sisiguraduhin nalang niya na iiwas siya sa lahat ng pagkakataon. Kahit pa mukhang impossible ang bagay na iyon dahil kilala nito ang pangalan niya. Nang masiguradong kalmado na ang sarili ay inayos na niya ang suot na uniform. Natuyo na ang palda niya kaya pagta-tyagaan nalang niya hanggang sa makauwi at hindi na magpapalit. Dali-dali na din siyang lumabas dahil tiyak na nagtataka na ang kanyang mga kasama sa tagal niyang bumalik. Sa hallway patungo sa exit ay nasalubong ni Luman si Ms. Cindy. Naroon na naman ang nakataas nitong kilay na para bang may hindi ito nagugustuhan sa nakikita sa kanya. "Mr. Santibañez said na pinaglinis ka niya sa kanyang kwarto." striktang sambit nito. "Yes ma`am." "Talaga bang naglinis ka lang doon?" may himig pagdududa nitong bigkas na nagpakunot sa kanyang noo. "May iba pa po bang dapat na gawin, ma`am?" alam niyang hindi dapat iyon ang sagot niya pero hindi niya napigilan ang bibig. Hindi naman ito sumagot pero nakita niya ang pag arko ng dalawa nitong kilay, tanda na hindi nito nagustuhan ang narinig mula sa kanya. "Maraming babae ang nagkakandarapang mapansin ni Mr. Santibañez kaya hindi na ako magtataka na isa ka sa mga babaeng iyon. Sa susunod na magpatawag siya ng tagalinis itawag mo agad sa house keeping, Ms. Cruz. Hindi mo trabaho ang maglinis ng mga kwarto unless ibang linis ang gustong ipagawa sa 'yo." Napakuyom ang kamao ni Luman sa mga narinig ngunit hindi na niya nagawang depensahan ang sarili dahil agad siyang iniwan ni Ms. Cindy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD