CHAPTER 6

1030 Words
PAGOD siyang umuwi. Unang araw palang sa trabaho ay ramdam na agad ni Paraluman ang pagod. Siguro ay dahil bukod sa naglinis siya ng ilang oras ay medyo marami ang nangyari sa kanya sa araw na iyon. Pagkabukas palang niya ng pinto ng kwarto ay agad siyang humiha sa malambot niyang kama. Nakatiyaha lang siya at tagusan ang tingin sa kulay puting kesami. Ah, ayaw na niyang mag-isip pa. Bumangon siya at dumeretso sa banyo para maligo. Hinubad niya lahat ng saplot at in-on ang dutsa. Nakatulong ang malamig na tubig na dumadaloy sa kanyang balat para pakalmahin hindi lang ang katawan kundi pati isipan. Isang oras yata siya bago lumabas kaya madilim na sa labas. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya ng bahay para maghanap sana ng convenience store. Maliwanag naman sa daan kaya hindi siya natatakot na maglakad mag-isa. Isa pa may mangilan-ilan ding naglalakad na nakakasabayan niya. Pagdating niya sa may kanto ay saktong may nakita siyang hindi kalakihang convenience store. Agad siyang pumasok doon at naghanap ng pwede niyang makain na hindi niya kailangan pang magluto. Hindi pa kasi siya nakakapag grocery dahil nawala na iyon sa kanyang isip kanina nang pauwi. Habang namimili siya ay saka naman tumunog ang dala niyang cellphone sa kanyang bulsa. Atomatikong napunit ang isang ngiti sa kanyang labi ng mabasa kung sino ang tumatawag. Agad niya namang sinagot habang hawak niya sa isang kamay ang cup noddles na bibilhin. "Mama!" Ang bunging ngipin ni Peri ang bumungad sa vedio call nang sagutin niya ang tawag. "Hi! Napatawag ikaw? May signal na kayo diyan?" tanong niya sa anak habang naglalakad siya patungo sa cashier. Kanina kasing umaga ay nagtext ang kanyang ate na nasira raw ng malakas na hangin ang connection ng wifi nila. Bago kasi siya umalis ay medyo makulimlim na ang isla at kapag ganoon ay may tendency na mabilis masira ang mga wire dahil nasa malapit lang sila aa dagat. "Hindi po, nagpaload lang po si tita. Mama kailan ka po uuwi?" Napatigil siya sa tanong na iyon ng anak. Mabuti nalang at may rason siyang hindi agad sumagot dahil nasa harap na siya ng cashier at nagbabayad na. "Mama.. "Yes, baby.." aniya, naglalakad na siya palabas kaya't malaya na niyang nakikita ng buo ang mukha ni Peri. "Sabi mo diba uuwi ka kaagad?" "K-kasi anak, malayo dito..Atsaka diba sabi ko, kailangan ni mama magtrabaho kasi gusto mo maging doctor, mahal kaya iyon." pinilit niyang ngumiti ng matamis pero hindi nagbago ang malungkot na mukha ni Peri. "Hindi nalang po ako mag do-doctor mama." mahina nitong sambit. Kumibot ang maliit nitong labi na alam niyang nagpipigil na umiyak. "Baby..Diba, sabi mo gusto mo maging doctor kasi gusto mong tulungan ang mga taga isla?" sambit niya sa malambing na tono. Ayaw niyang ipahalatang nasasaktan siya sa nakikita. "Opo, pero ayaw kong magwork ka sa malayo, mama. Isama mo nalang po ako sa inyo." sa pagkakataong iyon ay nangilid na ang luha sa mata nito. Ito talaga ang isa sa dahilan kaya umalis siya habang tulog si Peri. Alam niyang hindi niya kakayaning umalis kapag nakita niya itong umiyak. "Peri baby..Makinig ka kay mama ha? Uuwi din ako diyan baby.. Ngayon lang lalayo si mama pero hindi naman ako dito titira kaya hindi kita pwede isama. Atsaka walang magtitingin sa'yo dito kapag nasa work si mama." "Eh di isama mo nalang po ako sa work. Good girl po akon doon, pramis po." napalabi nitong turan.Bakas pa sa pisngi ang pag-iyak. "Bawal ang bata sa work ni mama eh. Magagalit ang may-ari, anak." "Ako po ang kakausap sa may-ari mama." parang matanda nitong turan. Napailing siya agad sa tinuran ni Peri. Kung sana ay ganoon lang kadali ang gusto nito. Isa pa, bukod sa hindi talaga pwede ang bata sa trabaho niya ay hindi talaga pwedeng isama niya si Peri. Mahirap iyon lalo't may iniiwasan siya. "Masungit ang may-ari baka pagalitan ka pa." pananakot niya. "Eh di magtatago nalang po ako doon para hindi niya ako makita." "Peri, anak..Hindi kasi talaga pwede. Pag-uwi ko ipapasyal kita sa Numancia, gusto mo ba iyon?" pigil ang luha niyang sabi. Naiiyak siya dahil gusto din talaga niyang makasama ang bata. Nasa gilid pa naman siya ng daan kaya nakakahiyang bigla nalang siyang umiyak. "May doll ba sa Numancia mama?" humihikbi nitong tanong. Ang Numancia central mall ay isa sa open-air mall na malapit lang sa isla nila. Doon halos namimili ang lahat ng tao sa isla dahil wala namang malalaking mall doon na katulad sa malalaking syudad. "O-oo naman. Gusto mo ba 'yong malaki?" "Opo! Sige po mama!" parang hindi galing sa pag-iyak nitong sabi. Nagpapalakpak pa si Peri na halatang excited. Maliliit lang kasi ang mga doll na nabibili nila dahil medyo may kamahalan ang malalaki at palagi silang budget kapag nagagawi roon. Napangiti na siya at napahaplos ang daliri sa screen ng phone. Sa ngayon ay kailangan talaga muna niyang magtiis sa malayo. Hindi sapat ang kita niya sa isla para sa pangangailangan ni Peri kaya nga siya napilitang mag apply dito sa Manila. "Oh sige ha. Basta huwag kang pasaway kay Tita mo diyan. Huwag mo siyang tatakutin ng mga ipis at mga insekto Peri." Napabungisngis lang naman ang batang babae bago tumango. Lihim siyang nagpasalamat na hindi na ito umiyak. Mabait na bata naman kasi si Peri. Medyo matanda din ito mag-isip kaya lang ay sobrang pilya. Minsan nang umuwi ito sa bahay nila ay nagulat nalang silang dalawa ni ate Janah nang makitang may dalang limang salagubang si Peri! Nakatali iyon lahat sa kamay nito kaya halos mahimatay ang ate niya sa takot. Minsan din ay bigla nalang itong mag-uuwi ng kuting o di kaya ay tuta na nakita nito sa dalampasigan. Hindi niya alam kung saan nagmana ang kapilyahan ni Periwinkle dahil hindi naman raw siya makulit noong bata pa. Napailing nalang siya nang magpaalam na si Peri dahil kukunin na raw ng ate niya ang telepono. Sakto namang nasa harap na siya ng kanyang pinto at agad na ibinulsa ang phone. Mabilis niyang inilabas ang pinamiling instant cup noddles, loaf bread, dalawang delata. Hanggang bukas ng umaga na iyon para mabilis siyang makapag handa bukas sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD