CHAPTER 7

1104 Words
"Good morning, ma`am. Welcome to Santibañez Grand Hotel." nakangiting pagbati ni Paraluman sa kakapasok lang na guest. Nasa apat na tao ang dumating at sa unang tingin ay masasabi niyang isang pamilya ang mga ito. Base na rin sa dalawang batang kasama na hawak ng kung hindi siya nagkakamali ay ama ng mga bata. Saglit pa nga siyang natulala ng matitigan ang babae dahil sobrang ganda nito. Kumikinang ang makinis nitong balat at kapansin-pansin ang perpektong hugis ng katawan kahit may dalawang anak na. Pati ang lalaking kasama ay hindi din naman pahuhuli na tila lumabas galing sa isang mens magazine. Gwapo, matangkad at malakas ang dating. Tila ba iisang hulma lang sila ng may-ari nitong hotel na si- Tumigil ka Paraluman! saway ng isip niya at napailing.Mabuti nalang ay hindi sa kanya nakatingin ang babae kundi magtataka ito kung bakit bigla siyang umiling na walang dahilan. Habang nakikipag-usap ang magandang babae para i-confirmed ang reservation nito ay hindi niya mapigilang titigan ang kasama nitong mga bata. Tantiya ni Paraluman ay nasa edad lima at walong taon ang mga ito. Bigla niya tuloy naalala si Perwinkle dahil sa batang babae na cute na cute na nakikipag-usap sa ama. Habang nag-iiscan ng ID ay lumapit ang batang lalaki sa ina nito kaya`t narinig ni Paraluman ang pinag-uusapan ng dalawa. "Mommy, is this tito Red`s hotel right?" anang bata sa ina nito. "Yes, baby.. Bakit?" "The last time he visited our house he said that he temporarily lives in a hotel. I hope he`s here so we can play chess again." sambit ng bata dahilan upang mapangiti ang ina. Samantalang si Paraluman ay napakunot ang noo. Kahit ayaw niyang magkaroon ng pakialam ay hindi niya mapigilang makinig pa sa pinag-uusapan ng mga ito. Kung tama siya ng hinala ay mukhang kilala ng may-ari ang pamilyang ito. Wala namang ibang Red na nagmamay-ari ng hotel kundi ito lang. Isang linggo na din pala ang dumaan mula ng maglinis siya sa room nito at nagpapasalamat siyang mula noon ay hindi na nagtagpo pa ang landas nila. Hindi na din siya pinatawag pa para maglinis kaya nakahinga siya ng maluwag dahil ibig sabihin hindi na niya kailangan umakto na hindi niya ito kilala kung sakali. Sa isip ni Luman ay mas makakapagtrabaho siya ng maayos kapag wala siyang inaalala. "I don`t really know, darling. Sinabi ba niyang sa hotel muna siya nakatira?" kunot-noo na balik tanong ng babae. "Yes, mommy. I just overheard him with daddy." "We will see anak. Sobrang busy ng tito mo na iyon kaya baka wala rin siya dito ngayon. But I`m sure he`ll be here to your birthday tomorrow. " sagot nito sa anak na tinanguan lang ng huli, Saktong natapos siya sa ginagawa kaya binigay na niya ang keycard ng mga ito. Nagpasalamat sa kanya ang babae at mabait na ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik at bahagyang tumango ngunit nabitin ang ngiti niya nang biglang sumigaw ang batang babae sa couch na hawak ng ama. "Ninong Red!" Mula sa malaking entrance at pinaka-lobby ng hotel ay nakatayo ang isang matangkad na lalaki. Mukhang kararating lang nito mula sa kung saan dahil nakasuot pa ang lalaki ng suit and tie. Sobrang nakaka-intimida itong tingnan dahil sa halos perpekto nitong tindig. Bunos pa ang mala adonis nitong mukha na kahit walang emosyon ay nakakapanghina parin ng tuhod ng mga kababaihan. Agad na nangislap ang malamig nitong mata ng makita ang batang babae na patakbong lumapit dito at nagpakarga. Pati ang batang lalaki ay lumapit din dito at nagmano. Nag-iwas naman siya ng tingin at ibinaling ang atensyon sa papel na nasa kanyang harapan. Ayon na naman ang pamilyar na kaba sa kanyang dibdib na hindi niya mawari. "Hey sweet pea..Ang bigat mo na ah. " anito sa bata na humagikgik lang ng mahina. Humalik pa ito sa pisngi ng lalaki at yumakap sa leeg nito habang naglalakad papalapit sa mag-asawa. Ayaw man niyang makinig ay imposible iyon dahil hindi naman kalayuan ang distansya ng mga ito sa kanya. Kaya nga hindi na din siya nagtaka nang marinig niya ang mahinang tili ng kanyang katabi na tila ba nakakita ito ng isang artista. Samantalang si Paraluman ay yukong-yuko na kulang nalang ay pumasok siya sa monitor na nasa harapan. Sana lang ay huwag nang dumako ang tingin nito sa kanilang gawi upang hindi na madagdagan ang tila dagang naghahabulan sa loob niya. "So it`s true that you live here? Pinalayas ka ba ni Tita Jasmin sa bahay niyo?" ang babaeng kausap niya kanina ang nagtanong. May himig panunudyo sa huling tanong kaya alam niyang hindi iyong seryoso. "Totoo yan honey, and guess what`s his reason?" ang lalaking asawa ang sumagot na may kasamang tawa pero agad itong sinamaan ng tingin ni Mr. Santibañez. Bahagya pang bumaling ang tingin ng lalaki sa gawi nila kaya hindi siya sigurado kung siya o ang mga kasama niya ang tinapunan nito ng tingin. Sumunod ding napatingin si Mr. Santibañez kaya agad siyang bumaling sa ibang direksyon habang nag-iinit ang pisngi. Ano bang nangyayari sa`yo, Paraluman! "Shut the f**k up Zek. Gusto mo bang i-banned kita sa hotel ko?" seryosong sambit nito na tinawanan lang ng huli. Mukhang sanay na sanay ito sa kasungitan ng lalaki. "You can`t do that buddy, labas-masok ka nga sa bahay ko, gusto mo ibanned din kita?" tunog pagbibiro nitong sagot. "Hindi ka papayagan ni Ava. Right baby?" "Of course ninong!" sagot naman ng batang karga parin nito sa mga oras na iyon. Napakamot nalang sa pisngi ang lalaking tinawag nitong Zek at lumapit sa asawa nitong nangingiti lang. "Para talaga kayong mga bata. Halina nga kayo at gusto nang maligo ng dalawang bulilit na iyan sa pool kagabi pa. And Red, huwag mong kalilimutan ang birthday ni Zaiko bukas dahil magtatampo iyon sa`yo. Magpapahinga na muna kami sa room namin sandali at maliligo na sila maya-maya." "Right. Of course I`ll be there." sagot naman nito pagkatapos magpaalam ng pamilya. Sumunod din namang umalis si Mr. Santibañez sa lobby ngunit bago iyon ay sumulyap muna ito sa front desk-particularly sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin at nagkunwaring busy sa harap ng kanyang monitor kahit ang totoo at nag doble-doble na ang paningin niya sa mga letrang nakasulat doon! Nang mawala ang presensya ng lalaki sa reception ay saka palang bumalik sa normal ang paghinga niya. Napahaplos tuloy siya sa dibdib dahil para siyang aatakihin sa puso. Kabaliktaran naman ang tatlo niyang kasama na tila sinabuyan ng asin at biglang naging kiti-kiti. Ngayon lang kasi nailabas ang kilig na kanina pa pinipigilan. Napabuga nalang siya ng hangin at pinilit ang sarili na mag fucos sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD