"She's got cancer." Cancer. Paulit-ulit na nag-echo sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ng doctor. Ayaw tanggapin ng kanyang sistema ang narinig. Pakiramdam niya, sinubagn siya ng bomba na yumanig sa kanyang buong pagkatao. "She's too alive to have cancer," si Margaux na kagaya niya ay natigagal sa sinabing iyon ng doctor. "Kailan pa :to, Doc?" "She started coming for treatment months ago. Nakaramdam siya ng mga sintomas. Panghihina, pantal sa balat at the time, I suggested na pumunta siya ng Maynila for further tests. Ginawa nga niya. She sought for second opinion, the tests yielded the same results. I recommended for her to have chemotheraphy but she refused. Sabi niya, ibubuhos na lang daw niya ang nalalabi niyang panahon na mabuhay nang normal at masaya. So she had been prescribed

