And so, Lorenzo stayed with Eli everyday. Walang araw na lumipas na wala ito sa tabi niya. Pansamantala daw itong naka-leave sa opisina para maibuhos sa kanya ang buo nitong atensyon. Konting kibot ay naroroon na ito lagi. Pinaparamdam kung gaano siya nito kamahal. He never failed to make her feel loved and valued. Araw-araw din ay may mga bulaklak at mga masasayang notes. Minsan pa nga ay nagsuot ito ng mascot at kikengkoy-kengkoy sa harapan niya. Napahalakhak nga siya ng husto nito. Pero iba ang araw na ito. Walang Lorenzo na dumating. Panay tuloy ang pagtitig niya sa gawing pintuan. Her heart silently hoped that any minute now, his smiling face would show. Nagsasawa ka na kaya? May kirot na dulot iyon sa kanyang puso. Well, he deserves a healthier woman. ‘Di gaya niya. Nakabaon na a

